Xian Gaza may patutsada kay Seth Fedelin: Sino yung kasama mo sa Batangas? Bandera

Xian Gaza may patutsada kay Seth Fedelin: Sino yung kasama mo sa Batangas?

Alex Brosas |January 14,2022
share this

Xian Gaza may patutsada kay Seth Fedelin: Sino yung kasama mo sa Batangas?

Alex Brosas January 14, 2022 - 06:51 PM

Xian Gaza may patutsada kay Seth Fedelin: Sino yung kasama mo sa Batangas?

PANAY ang pasabog na chika ng “Pambansang Marites” na si Xian Gaza sa kanyang Facebook account. Of late, si Seth Fedelin ang kanyang apple of the eye.

Pinalalabas kasi niyang playboy ito dahil bukod sa dyowa raw nito si Francine Diaz kahit na ang ka-love team niya ay si Andrea Brillantes ay may iba pa itong babae.

Sa latest Facebook post nito, he was alluding na meron pang non-showbiz girlfriend ang young actor.

“NAKA-FACE MASK AT NAKA-FACE SHIELD HABANG NALILIGO SA ISANG BEACH SA BATANGAS PARA DAW HINDI SIYA MAKILALA NG MADLANG PEOPLE HABANG KASAMA NIYA ANG KANYANG NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND! MARS, MARAMI PALA SIYANG JOWA! SABAY-SABAY! NAKAKALOKA!”

‘Yan ang nakakalokang post ni Xian.

Mayroon pa siyang parang letter addressed to Seth Fedelin and Francine Diaz which read: “Linawin niyo na sa publiko yung issue habang maaga pa dahil kapag ako ang naghukay ng intel at nag-splook sa publiko eh kung saan-saan nanaman mapupunta at marami pang madadamay. Silence is not a good option now.”

Tila may source si Xian dahil pinost bniya ang Gcash transaction kung saan makikita na binigyan niya ng P3,000 ang source.

“THANKS FOR THE INFO AND THE VIDEO,” say ni Xian sa kanyang post.

May umapela at nagsabing, “Sayang bayad mo sa source.”

Agad-agad naman itong sinagot ni Xian ng, “Sino bang may sabi na today yung Batangas? Ikaw lang ata ang nakaisip niyan. Makikitsismis ka na lang eh hindi mo pa gamitan ng utak. Saka paano naging sayang yung 3K? eh parang 30 pesos lang sa akin yan. Kinikita ko yan between 10-30 minutes habang tulog so barya.”

May isang video na ipinost si Xian with this caption: “Seth Fedelin sino yung kasama mo sa Batangas? Hindi daw si Andrea at hindi rin si Francine. Sino yung babaeng nakaputi na hindi kita yung mukha sa video?”

 

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Seth Fedelin (@imsethfedelin)

* * *

Walang balak tumigil si Jigs (Markus Patterson) sa panggugulo at pangha-harass kay Rica (Charlie Dizon) kahit pa umuusad na ang kasong anti-voyeurism case laban sa kanila ni Archie (Vans Larena) sa “Viral Scandal.”

Pagkatapos nga ng unang hearing, nagkatagpo sina Jigs at Rica sa clubhouse kung saan nakatakdang magpresent ang dalaga at Kyle (Joshua Garcia) sa kanilang kliyente. Ngunit bago pa makarating si Rica sa presentation, hinarang siya ni Jigs at muli siyang hinarass. Buti na lang nakita sila ni Kyle at agad na inilayo si Rica mula sa konsehal.

Dahil sa nangyari, nagsimula muling bangungutin si Rica tungkol kay Jigs. Sa kanyang panaginip ay nakapasok si Jigs sa kanyang kwarto at pagtatangkaan siya muli. Ang hindi niya alam ay sinusundan pa rin siya ni Jigs at mukhang hindi pa natitigil ang obsesyon nito sa kanya.

Samantala, desidido na si Troy (Jake Cuenca) na hiwalayan si Audrey (Maxene Magalona). Matapos ang huling komprontasyon nila mag-asawa at anak na si Raven (Kaila Estrada), naisip niyang tapusin na lang ang kanilang pagsasama.

Pumayag kaya si Audrey dito? Hanggang saan naman dadalhin si Jigs ng kanyang obsesyon kay Rica?

Subaybayan ang “Viral Scandal” gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

 

Related Chika:
Seth Fedelin, Francine Diaz may ‘something’ nga ba?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending