Roxanne hinding-hindi malilimutan ang guesting sa morning show: Grabe, ambilis magbago ng ihip ng buhay! Bandera

Roxanne hinding-hindi malilimutan ang guesting sa morning show: Grabe, ambilis magbago ng ihip ng buhay!

Ervin Santiago |January 13,2022
share this

Roxanne hinding-hindi malilimutan ang guesting sa morning show: Grabe, ambilis magbago ng ihip ng buhay!

Ervin Santiago January 13, 2022 - 05:35 PM

NAPA-THROWBACK ang singer-actress na si Roxanne Barcelo noong mga panahong wala pa siyang asawa at anak at sarili lamang ang kanyang iniintindi.

Kamakailan, nag-post ang celebrity mommy sa Instagram ng isang video na kuha sa isang guesting niya sa morning talk show ng ABS-CBN na “Magandang Buhay” na ipinalabas noong 2019.

Kalakip nito ang kanyang nakakatuwang kuwento tungkol sa nangyari sa kanya bago pa makarating sa studio ng programa sa ABS-CBN building.

Nabanggit ni Roxanne na kinailangan pa niyang sumakay sa motorsiklo suot ang kanyang OOTD — puting blouse, itim na pants with natching high heels — para makaabot lang sa kanyang live guesting.

Mensahe ng aktres, “I remember doing this @_magandangbuhay interview almost 3 years ago. I rode @angkasph to get to the studio para di ako ma-late. I was wearing my outfit and nagdala lang ako ng pang-retouch.”

“Grabe, ambilis magbago ng ihip ng buhay,” aniya pa sa caption na siguradong ang tinutukoy ay ang pagkakaroon at pag-aalaga sa kanyang foreigner husband na si Jiggs at panganay na si Cinco.


Sabi noon ni Roxanne sa panayam ng “Magandang Buhay”, “Dati kasi, noong bata ako, parang marami akong hinahanap sa isang tao gusto ko ganito-ganito, ganyan-ganyan.

“But at the end of the day, all the things that you want, you can actually become. So, gusto ko ng someone faithful, then be faithful. Ikaw muna, you be faithful to yourself.

“You want to become a mother? Kunyari ako, I can’t wait to become a mother, but right now, I don’t have kids yet, but I can still become motherly,” pahayag pa ng aktres.

Sa isa pang interview, sinabi ni Roxanne na una pa lang daw niyang makita noon ang kanyang asawa ay naramdaman na niyang siya na ang “the one.” 

At muli nga niya itong nasabi sa caption ng video na ni-repost niya sa Instagram, “For all the years that I waited, I would imagine and envision how I would feel when I would meet The One.

“And I was right! When I met my husband, it was everything I imagined and much more!

“Only you and your Creator know what you are truly looking for in a life partner. 

“The wait can be painstaking but I promise you…IT IS ALL WORTH IT. Have faith and never ever give up on love,” pahayag pa ni Roxanne.

Kung matatandaan, unang ibinandera ng aktres noong Dec. 25, 2020 na nagpakasal na siya sa gitna ng pandemya, pero hindi niya binanggit ang pangalan ng guy at itinago rin ang itsura nito sa publiko.

Noong June, 2021 isinilang naman ng aktres si Baby Cinco at kasunod nito, last December, 2021, ipinakita na rin niya finally ang mukha ng kanyang husband na si Jiggs.

Baby Cinco nagsisilbing ‘charger’ ni Roxanne Barcelo; super proud sa non-showbiz hubby

Roxanne excited na ibinandera ang good news: We are having a beautiful boy!

Roxanne Barcelo nanganak na sa kanyang first baby: Here’s to the rest of our life!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending