Sue Ramirez tinotoo ang bonggang batok kay Jodi: I was really scared, ang liit kaya ng ulo niya, gamunggo! Bandera

Sue Ramirez tinotoo ang bonggang batok kay Jodi: I was really scared, ang liit kaya ng ulo niya, gamunggo!

Ervin Santiago |January 13,2022
share this

Sue Ramirez tinotoo ang bonggang batok kay Jodi: I was really scared, ang liit kaya ng ulo niya, gamunggo!

Ervin Santiago January 13, 2022 - 07:36 AM

Jodi Sta. Maria at Sue Ramirez

RAMDAM na ramdam namin ang excitement ni Sue Ramirez para sa nalalapit na pagpapalabas ng bago niyang serye sa ABS-CBN, ang pinakaaabangang “The Broken Marriage Vow.”

Sa kanyang solo virtual mediacon kahapon para sa nasabing teleserye, feel na feel namin ang kaligayahan ng dalaga na napasama siya sa nasabing proyekto na ngayon pa lang ay hot topic na sa social media.
Dito, nakipagtagisan siya ng matinding aktingan kina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo na kitang-kita naman sa trailer pa lang ng programa.

At isa nga sa mga pinag-uusapang eksena sa teaser ng “The Broken Marriage Vow” ay ang pagbatok ni Sue nang bonggang-bongga kay Jodi sa isa nilang pasabog na confrontation scene.

Si Sue ang gumaganap na Lexy Lucero sa serye, ang magiging kabit ng karakter ni Zanjoe bilang si David Ilustre at asawa ni Jodi sa kuwento na gaganap naman as Dr. Jill Ilustre.

“Ang laki ng pressure sa akin. Batok talaga? Nakakaloka!” ang pahayag ni Sue na umaming ayaw sana niyang gawing totoo pero mismong si Jodi raw ang nagsabi sa kanya na totohanin na ang pagbatok sa kanya.

“I was really hesitant to do it. I wanted na i-jerk. Kaya naman siguro naming i-acting na lang ni Ate Jodi e pero she told me na ‘Sue, gawin mo. Gawin mo talaga. Okay lang ako,’” chika ng aktres.

Aniya pa, “I was really scared. Ang liit kaya ng ulo ni Ate Jodi, gamunggo po siya. Konting pagkakamali, ulo ‘yun…bawal nga masahihin ‘yung batok tapos mambabatok pa ko!” 

Dagdag pa ng dalaga, “Kailangan ko siya gawin kasi ginawa siya sa lahat ng versions ng ‘Doctor Foster.’ So bongga ‘yung eksena na ‘yun. Crucial siya.

“At nakuha namin in one take. Tinotoo talaga na batok. May alalay nang malala pero kinailangan talaga dumikit para maganda rin ‘yung pagkahulog ng ulo ni Ate Jodi,” kuwento pa ni Sue.

Samantala, naikuwento rin niya ang isang pagkakataon na nagpaka-fan girl siya kay Jodi. Talaga raw kinarir niya ang pagpunta sa isang taping ng aktres para lang makapagpa-picture.

“Take note, first time ko siya na-meet hindi pa po ako artista. Nag-taping sila, nag-bike talaga ako dun sa location kasi gusto ko talaga siya makita. Piniktyuran ko pa siya du’n sa flip-top ko na phone.

“Kaya nakaka-overwhelm na binatukan ko na siya. Nandu’n na tayo, guys! Dati, pinipiktyuran ko lang siya, dalawa pa sila ni Thirdy (anak ni Jodi) nu’n. Ngayon nabatukan ko na siya,” chika pa ng aktres.


Hinding-hindi rin daw niya makakalimutan ang kabaitan at pagiging supportive co-star ni Jodi sa kanilang two-month lock-in taping. 

“Si Ate Jodi po talaga, wala po ako masabi. Napakabuti po tao. Napakabuti po ng kanyang puso, ng kanyang isip. Hindi po siya nagagalit. Palagi lang siyang kalmado.

“Siya ‘yung unang kakalma sa mga tao. Siya ‘yung unang magsasabi na, ‘We can do this altogther. We will help each other.’ Yayakapin kami niyan ni Ate Jodi ‘pag umiiyak kami,” aniya pa.

Mapapanood na ang “The Broken Marriage Vow” sa Kapamilya Primetime Bida lineup simula sa Jan. 24, 8:40 p.m. sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.

Sue Ramirez: Ang ganda-ganda n’yo, walang ginawa ang Diyos na panget

Jodi sa BL series na ‘Love Beneath The Stars’: Meron siyang effect sa manonood!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending