Joross, Kat nawalay sa mga anak sa pagpasok ng Bagong Taon | Bandera

Joross, Kat nawalay sa mga anak sa pagpasok ng Bagong Taon

Therese Arceo |January 04,2022
facebook
share this

Joross, Kat nawalay sa mga anak sa pagpasok ng Bagong Taon

Therese Arceo - January 04, 2022 - 07:06 PM

Joross, Kat nawalay sa mga anak sa pagpasok ng Bagong Taon

IBA ang naging new year salubong ng pamilya ng aktor na si Joross Gamboa ngayong 2022.

Sa kanyang Instagram post ay makikita na tila malayo sila ng asawang si Kat Saga sa kanilang anak at sinalubong lang ang bagong taon na nakikipag-videocall sa dalawang anak.

“Happy New Year Everyone! Kung napansin ninyo di namin kasama mga anak namin. First time namin silang di nakasama salubong ng New Year pa!

“Actually na expose kasi kami sa may covid kaya agad agad kaming nag quarantine sa bahay for 5days bago pa RT-PCR at ang mga anak namin sa lolo at lola na muna sa Quezon,” pagbabahagi ni Joross.

Aniya, mas pinili na lamang nilang mag-asawa na maging responsable kesa magdulot ng kapahamakan sa kanilang mga mahal sa buhay lalo na sa kanilang anak.

“Mas pinili kasi namin maging responsible at pinagpalit ang panandaliang kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Wala naman kami COVID-19 pero naninigurado kami.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)

Pagpapaalala niya, laganap pa rin ang nakakahawang virus kaya dapat pa ring mag-ingat at sundin ang mga health protocols.

“Wag natin kalimutan may covid19 parin! Kamag anak namin sa US, Italy, pati dito pinas may mga COVID-19 na ultimo kapatid ko at friends niya na nakuha nila sa Poblacion.

“Anyways bukod sa pag iingat at pagmamalasakit sa ibang tao wala na tayong ibang magagawa kung di kumapit kay Lord. Let’s all Focus on Jesus Christ so we can have peace! Godbless everyone!” dagdag pa ni Joross.

At kahapon nga lang ay nakasama nang muli nila Joross at ng kanyang asawa ang dalawa nilang anak matapod ang isang linggong pagkakahiwalay.

“Finally… Thank You Lord!” sey ni Joross.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joross Gamboa (@joross_gamboa)

Kwento pa niya, sa sobrang excitement niya ay sa loob na siya ng sasakyan nag-antay ng kanilang test result para raw diretso na silang makapunta sa mga bata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kabila ng kanilang negative result ay nagpaalala ulit ito na ipagdasal ang kanilang mga kamag-anak at mga kaibigan na nag-positive at muli pa ngang nadagdagan.

“Extra safe tayo ulit and pray more for rveryone! God bless us all!”

Related Chika:
Bakit tinawagan ni Joross si Arjo habang nasa kalagitnaan ng operasyon?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending