Janno feel na feel ang papuri ni Dingdong: Kainis! Naiyak naman ako sa special shoutout mo! | Bandera

Janno feel na feel ang papuri ni Dingdong: Kainis! Naiyak naman ako sa special shoutout mo!

Ervin Santiago - January 01, 2022 - 06:14 PM

Dingdong Dantes at Janno Gibbs

NAIYAK ang veteran comedian at TV host na si Janno Gibbs sa bonggang shoutout para sa kanya ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Super appreciated ng komedyante ang mensahe at ibinigay na papuri sa kanya ni Dingdong matapos silang magkasama muli sa isang pelikula.

Bilib na bilib ang mister ni Marian Rivera kay Janno nang gawin nila ang action-drama-thriller na “A Hard Day” na isa sa mga official entry sa  entry sa ginaganap ngayong 2021 Metro Manila Film Festival.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinarating ng award-winning actor kay Janno ang kanyang special shoutout kalakip ang litrato nila na magkasama sa isang eksena.

“Just want to give a special shoutout sa isa sa mga kasama ko sa pelikulang ito — si @jannolategibbs. For sure matutuwa ang fans mo to see you in an action-thriller film,” ang bahagi ng caption niya sa kanyang IG post.

Kasunod nito, sinabi rin ni Dong kung gaano ka-dedicated sa kanyang trabaho ang komedyante, “It was inspiring to see how committed you are to your craft!”

Aniya pa, hinding-hindi niya malilimutan ang mga bonding moments nila ni Janno habang sinu-shoot nila ang “A Hard Day, “Glad to have worked with you again, Kuya!” 

Feeling emotional naman si Janno nang mabasa ang mensahe ni Dingdong para sa kanya kasabay ng abot-langit na pasasalamat sa Kapuso actor at TV host.

“Kainis! Naiyak naman ako sa special shoutout mo!!! @dongdantes. Uulitin ko. Dapat nanalo ka ng Best Actor dito! You’re at the top of your game,” pahayag ni Janno.

Nauna rito, bago pa mag-showing ang “A Hard Day” last Christmas ay nag-post na rin si Dong sa IG ng mensahe kung gaano siya ka-happy nang mapasama sa 2021 MMFF ang kanilang pelikula.

“I’m honored and proud to have worked with all the people who were behind this film. 

“Kaisa po ang lahat ng kabahagi ng pelikulang ito sa mga naghahangad ng payapa at maligayang Pasko sa ating lahat,” ang bahagi ng kanyang appreciation post.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending