Cristy Fermin alam na alam ang kuwento tungkol 'tadyak' moment ni Bing sa recording studio Bandera

Cristy Fermin alam na alam ang kuwento tungkol ‘tadyak’ moment ni Bing sa recording studio

Reggee Bonoan |December 31,2021
share this

Cristy Fermin alam na alam ang kuwento tungkol ‘tadyak’ moment ni Bing sa recording studio

Reggee Bonoan - December 31, 2021 - 07:36 PM

Cristy Fermin, Bing Loyzaga at Janno Gibbs

SINA Dennis Padilla at Stephanie Raz ang guests ni ‘Nay Cristy Fermin sa online show niyang “Cristy Ferminute” kasama si Romel Chika.

Natanong ng host ang aktor tungkol sa walkout issue ni Janno Gibbs sa nakaraang virtual mediacon ng pelikula nilang “Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2″ mula sa Viva Films.

Ang dahilan ay napikon daw si Janno sa biro ni Giselle Sanchez na siyang naging host ng online presscon.

“Sa akin lang, ang joke kailangan maibato mo ‘yan sa right time sa tamang panahon. Minsan kapag naibato mo ‘yung joke nang wala sa oras magiging offensive, di ba?

“Kahit sa personal, di ba? Kapag nagkukuwentuhan tayo hindi tayo bato nang bato kasi mamaya hindi masakyan lalo’t hindi ka ganu’n ka-close doon sa tao.

“(Halimbawa) Puwede kong ibato ito kay tita Cristy kasi she knows me. Pero hindi ko puwedeng ibato kay Romel Chika kasi baka ma-offend ko siya, me ganu’n, eh,” paliwanag ni Dennis.

Say naman ni ‘Nay Cristy, “Oo, anak parang politika ‘wag ka tumakbo kapag wala sa timing.”

Hirit ulit ni Nanay, “Ano ba kasi?  Sabihin mo nga sa amin ano ‘yung joke.”

“Ang pinag-uusapan kasi do’n ‘yung tatlo na sinong jojowain, sinong totropahin at sino ‘yung iwa-one-night stand. So ganu’n ang nangyari, e, ang natira kay Janno ‘yung one-night stand.

“E, binawi ni Giselle sabi niya, ay hindi na lang kasi baka mamaya magalit si Bing (Loyzaga) tadyakan pa ako n’yan,'” kuwento ni Dennis.

Natatawang dagdag ni ‘Nay Cristy, “Oo, kasi sabi pa (ni Giselle) kasi may alam ako, tadyakan sa bibig parang ganu’n.”

Say naman ni Romel Chika, “Tinadyakan sa recording studio. Ha-hahaha!”

“Oo, nabanggit (nga.) Sabi ni Janno kasi parang okay na ‘yung tadyak, eh. Pero nu’ng sinabi pa ‘yung specific na recording studio doon parang…(napikon),” pagsang-ayon ni Dennis.

Sabi pa, “Well, anyway, in fairness to Giselle, Tita nag-apologize naman siya I think, she texted naman Janno and she called tita June Rufino and apologized. Sabi nga niya (Giselle), ‘Dennis tulungan mo ako, nabigla ako sa joke ko na ‘yun.  Mali yata ‘yung timing.’ Ang mahalaga naman nag-apologize siya.

Katwiran ng “CFM” host, “Tama ‘yung sinabi mo na ‘wag kang magbiro kapag hindi nakahanda ‘yung babatuhin mo! Totoo ‘yun!  Meron nga ‘yung totoong-totoo na pero hindi mo nga matanggap kasi wala sa timing.”

“Korek, yes. Saka minsan tita Cristy kunwari nagkakuwentuhan, nagbibiruan kayo alamin mo kung saan siya galing baka mamaya galing siya (may away pala), o gutom, may ganu’n, eh,” paliwanag ng komedyante na kumakandidatong konsehal sa 2nd District ng Caloocan City.

Para kay ‘Nay Cristy, “Totoo! Tulad ni Giselle, Dennis kung ako bibiruin niya magwo-walkout din ako dahil hindi ko naman siya ka-vibes!”

“Kapag ang tao ka-close mo, mas open ka, eh, pero kung hindi kayo close may mga joke na hindi mo puwedeng gamitin,” katwiran pa ni Dennis.

At napuri ni ‘Nay Cristy si Dennis na kaya wala siyang nakakaaway dahil alam nito ang tamang pagbabago ng joke.

“And I know how to edit my joke.  If my joke will offend you sa dulo, I will edit it. Mag-e-edit ako para hindi offensive,” saad ng aktor.

“Yun ang hindi na-edit ni Giselle, ang recording studio, buti nga hindi niya nasabi ang pangalan na alam ko ‘yan (tawa naman nang tawa sina Romel at Dennis habang nakikinig lang si Stephanie).

“Alam na alam ko ‘yan, kami ni koyang Danny Javier ang nandoon sa loob ng recording at saka si Tong, si Teresa (Loyzaga),” pahapyaw ni ‘Nay Cristy.

Sabay tanong ni Dennis, “Nandoon ka pala?”

“Naku po, araw ng Linggo ‘yan.  Showbiz Linggo. Nagbo-voice over ako, sila naman nagre-recording para sa APO, (show), bago mag-ASAP.  Matagal na, kopong-kopong na ‘yan. Pero totoo ‘yun, talagang nakaluhod ‘yung girl sa harap ni Bing. Naku, pinalala ko pa raw. Ha-hahaha!

“Sabi niya (Bing), tumayo ka diyan, hindi ako Diyos! Pag hindi ka tumayo, sisipain kita sa bibig mo! ganu’n. At si Teresa naman naka-ganyan (sabay muwestra) ‘and who do you think you are, huh?’ O Dennis, kilala mo ang mga ateng natin kung paano magsalita (tawa naman nang tawa ang aktor),” kuwento pa ni Nay Cristy.

Sa kasalukuyan, wala pa kaming balita kung nagkaayos na sina Janno at Giselle.

Janno Gibbs nag-walkout matapos mapikon sa mga joke ni Giselle Sanchez sa presscon?

Cristy Fermin binanatan si Nadine: Magbalot ka!

Julia tinawag na ‘Mrs. Martyr’ ni Cristy Fermin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending