Queen Elizabeth II nakiramay sa Pilipinas, nagpaabot ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette
LABIS na nakikiramay si Queen Elizabeth II sa sinapit ng mga Pilipino matapos ang hagupit ng bagyong Odette sa kasagsagan ng panahon ng Kapaskuhan.
Bukod sa libo-libong pamilyang nawalan ng masisilungan at matutuluyan, marami rin ang buhay na nawala matapos ang pananalasa ng bagyo.
Umabot na sa 375 katao ang mga namatay at 56 naman ang nawawala matapos hagupitin ng pinakamalakas na bagyo ngayong taon ang Pilipinas.
Agad namang nagpaabot ng tulong si Queen Elizabeth II at nagbigay ng £750,000 (mahigit kumulang P50 million) sa relief efforts ng Red Cross at International Federation of Red Cross.
“Today, Her Majesty The Queen sent President Duterte a message offering her condolences and deepest sympathies to all those affected by #OdettePH,” saad ng UK Ambassador to the Philippines na si Laure Beaufils.
“United Kingdom stands in solidarity with the Philippines and Filipino people in the wake of this devastating typhoon,” dagdag pa nito.
Today, Her Majesty The Queen sent President Duterte a message offering her condolences and deepest sympathies to all those affected by #OdettePH. 🇬🇧 stands in solidarity with the Philippines and Filipino people in the wake of this devastating typhoon. 🇬🇧🇵🇭
— Laure Beaufils (@LaureBeaufils) December 22, 2021
Related Chika:
Pinay na nurse sa UK ginawaran ng medalya ni Queen Elizabeth II
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.