Brenda Mage, nag-alala sa pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette: Babalik na naman po sila sa umpisa

Brenda Mage, nag-alala sa pamilyang naapektuhan ng bagyong Odette: Babalik na naman po sila sa umpisa
LABIS na nabahala ang “PBB” celebrity housemate na si Brenda Mage nang ipapanood sa kanila ni Big Brother ang mga nagaganap sa Visayas at Mindanao na sinalanta ng bagyong Odette.

Matapos mapanood ang balita ay agad na pumunta si Brenda sa confession room para humingi ng update kung kumusta na ang kanyang pamilya.

Kuwento ni Brenda, habang pinapanood ang balita ay nabanggit ang kanilang lugar na Misamis Oriental kung saan nakatira ang kanyang pamilya at kamag-anak.

“Gusto ko lang pong tanungin kung ‘yung kalagayan ng pamilya ko, ‘yung mama ko po tsaka mga kapatid ko po, lahat po ng kamag-anak ko nandoon po lahat. Ako lang po kasi ang nandito sa Manila,” saad ni Brenda.

Aniya, hindi madalas mag-blackout sa kanila kaya labos siyang nag-alala nang malamang nag-blackout dahil baka mas malaki ang pinsala ng bagyo sa lugar.

Nasa paanan rin daw sila ng bundok at nasa gilid ng ilog kaya labis talaga siyang nangangamba sa lagay ng pamilya.

Nangako naman si Big Brother na sisikapin niyang kausapin ang kaanak ni Brenda pra humingi ng update sa kanilang kalagayan.

Makalipas ng ilang sandali ay ipinatawag na si Brenda kung saan naghihotay ang mwnsahe ng nakatatandang kapatid.

“Bren, ate mo ito. Noong isang araw, lumikas kami dahil malakas yung ulan tsaka malaki ‘yung tubig sa daan pero ‘yung bahay natin hindi inabutan ng tubig. Okay naman kami ngayon pero pag-uwi namin, yung bubong ng garahe, nasira. Pero ngayon natapos na, pinagawa na namin. Huwag ka nang mag-alala dyan, okay kaming lahat dito,” paninigurado ng ate niya sa kanya.

Nagpasalamat naman si Brenda ngunit may pangamba pa rin sa kanyang puso.

“Salamat po kuya. Thank you po talaga. Atleast panatag na ‘yung loob ko,” saad ni Brenda.

Panatag siya na okay na ang kanyang immediate family pero nag-aalala pa rin siya sa iba pa nilang kaanak.

Bukod rito ay inalala niya rin ang negosyo na pinagkukunan ng panggastos ng kanyang ate.

“Nararamdaman ko po sa boses ng ate ko po, okay po sila pero feeling ko po ‘yung negosyo ng ate ko po… kung mataas ang tubig, umabot sa kalsada namin, malamang yung negosyong ibinigay ko po sa kanya, feeling ko po nasalanta po yun,” naiiyak na sabi ni Brenda.

“Kasi pag tumaas ng konti ang tubig, nandon po ang tindahan nila. Sana po nakalikas sila bago tumaas yung tubig.

“Ngayon po okay po sila. Alam ko okay ang pamilya ko pero yung hanapbuhay nila babalik na naman po sila sa umpisa.”

Paglabas ni Brenda mula sa confession room ay agad naman siyang pinakalma ng mga housemates.

“Ang mahalaga is safe sila kasi ang negosyo madaling ibalik yan, promise. Basta ang importante, okay sila doon, walang masamang nangyari sa kanila. Kasi ‘yung mga bagay, mapapalitan ‘yan samahan lang ng sipag pero ang buhay kapag may nangyaring hindi maganda, wala na,” pag-aalo ng kanyang kapwa housemate na si Madam Inutz.

Related Chika:
Ano ang pinakamahal na regalo na ibinigay ni Brenda sa kanyang dyowa?
Eian Rances boto kay Brenda Mage na maging ‘PBB’ big winner

Read more...