MARAMI sa madlang pipol ang nagulat at nabahala sa biglaang pagpayat ng “Squid Game” star na si Hoyeon Jung.
Ito ay matapos mag-upload ng actress-model sa kanyang Instagram account ng mga larawan ng kanyang OOTDs sa LACMA art + film gala na ginanap noong Nobyembre.
Kapansin-pansin sa isang photo kung saan ay nakasuot ang actress-model ng black silk dress ang labis niyang pagpayat.
Kaya naman marami sa mga humahanga sa dalaga ang agad na nabahala at sinabihan siya na kumain nang mabuti.
“I loved you in Squid Game. I think you are an amazing actor and human. I don’t want to come off negative at all, just want to say that seeing you in the black dress made me a bit worried.
“I know it’s how it is for models to obtain a certain weight standard but please make sure you are eating well, working with a holistic dietician and making sure your physical ang mental health are well and energized through food,” saad ng isang netizen mula sa Sweden.
May mga fans naman na agad dumepensa sa aktres at sinabihang insensitive ang pumupuna sa kanyang kapayatan.
“Yes, she’s underweight. No, being underweight doesn’t automatically mean dead or some illness lol. We exist just like overweight people and just like them, it gets tiring to hear people, especially strangers point at our bodies and say it’s because of worry. That just embarrasses us tbh,” sey ng isang netizen.
Base naman sa report na inilabas ng KoreaPortal.com, inamin ni Hoyeon na talagang pumayat siya ng 4 kilograms matapos ang release ng kanyang Netflix series na “Squid Game” dahil naging busy ang kanyang schedule sa US.
“I lost way too much weight. All the clothes that used to fit me when I first came to America are too loose now,” saad ni Hoyeon.
Nangako naman ito na kakain na ulit nang marami lalo na’t nasa South Korea na siyang muli at kasalukuyang naka-quarantine.
Related Chika:
Angel, Neil nagpa-‘Squid Game’ Halloween party sa bahay: Who wants to play?