TRENDING ngayon ang talent manager na si Wilbert Tolentino matapos ang kanyang panawagan sa Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother Kumunity 10”.
Muli na naman kasing nominado ang kanyang alagang si Madam Inutz at nanganganib na mapalabas at hindi mapabilang sa Big 4.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi niya ang kanyang saloobin ukol sa naturang show.
Ani Wilbert, “PBB, butas na ang bulsa ng mga taong bayan. Pwede po bang i-donate na lang natin sa [mga nasalanta ng] bagyong Odette? Marami pang pamilya na mas nangangailangan ng tulong.
Para kay Wilbert, mas maigi na itulong na lamang sa mga taong naapektuhan ng bagyo na nawalan ng tirahan at hirap sa supply ng pagkain at tubig.
Nabanggit rin nito ang hirap na dinadanas ng mga nano-nominate at ang pag-aaway away ng mga fandoms para iligtas ang kanilang mga sinusuportahang housemates.
“Kawawa din mga housemates na paulit-ulit na nominate weekly. Nagkakagulo pa ang mga fandom sa halip na kailangan nating magkaisa,” dagdag pa nito.
PBB, butas na lahat ng bulsa ng mga taong bayan. pwede po bang e donate nalang natin sa Bagyong Odette? Marami pang Pamilya na mas nangangailangan ng tulong. Kawawa din mga HMs na paulit ulit na nominate weekly. nag kaka gulo pa mga fandom sa halip na kailangan natin ng mag kaisa
— WILBERT TOLENTINO (@sirwil75) December 21, 2021
Matapos ang isang oras ay muli na namang nag-tweet si Wilbert patungkol pa rin sa pagliligtas ng mga nominated housemates.
“Torture sa aming mga admin ng bawat housemates mga na nominee. Hindi man lang ma-enjoy ang Pasko dahil kailangang gumastos para ma-save ang mga manok nila sa PBB.
“Samantalang libo-libong pamilya sa Visayas region ang tinamaan sa bagyong Odette na mas kailanganng tulong ng bawat isa. Ang saya saya!” muling tweet ni Wilbert.
Torture sa mga Admin ng bawat Housemates mga na nominee. indi man lang ma enjoy ang Pasko dahil kailangan gumastos para ma save ang Manok nila sa PBB. Samantala libo libong pamilya sa Visayas region tinamaan sa bagyong odette na mas kailangan ng tulong ng bawat isa.ang saya saya!
— WILBERT TOLENTINO (@sirwil75) December 21, 2021
Mukhang labis na nalilito na si Wilbert kung uunahin ba nitong isalba ang kanyang alaga o gastusin na lamang ang pera pambili sa mga pangunahong pangangailangan ng mga Pilipino sa Visayas at Mindanao.
Bukod kasi sa pagiging talent manager niya at pagiging entrepreneur ay isa ring philanthropist si Wilbert kaya hindi kataka-taka na ito ang naging panawagan niya.
Mahal niya ang alaga niya at paniguradong ilalaban niya ito hanggang dulo ngunit ang tanging pumipigil sa kanya ay ang nangyaring pananalasa ng bagyong Odette.
Matatandaang noong unang beses na ma-nominate si Madam Inutz ay nagbagsak siya ng 64 million diamonds o halos isang milyong piso.
Marami rin sa mga netizens ang nagsabi na mas maigi kung ibibigay na lang niya ang gagastusin niya sa mga nangangailan o kaya ay kay Madam Inutz dahil kung tutuusin daw ay mas malaki pa ang nagastos niya kaysa sa mapapanalunan ng alaga kung sakali.
“‘Yung million na gastos mo kay madam inutz bigay mo na lang sa kanya. Mas makakatulong pa sa kanila ‘yun,” saad ng isang netizen.
“‘Yung pambili po ninyo ng dias kay madam to save her, itulong na lang po ninyo sa nasalanta ng bagyo. Sure na sure mas gugustuhin po iyon ni Madam,” sabi pa ng isang netizen.
Pero sa huling tweet ni Wilbert ay tila nagpaparamdam na ito na isusuko na niya ang laban para kay Madam Inutz.
“Pagoda harrison na po ako. Goodluck po at advance goodluck po sa mananalo for this 8th eviction night. I need a breal this time for my health.
“Sa mga lalaban para kay Madam Inutz thank you po and good luck to sis Samatha,” sey ni Wilbert.
Pagoda harrison na po ako. Goodluck po at Advance Congrats po sa mananalo for this 8th Eviction night. i need a break this time for my health. Sa mga lalaban para kay Madam @dlinutil Thank u po & Goodluck to Sis Samantha. #PBB #PBB8thnominationnight #PBBLivestream
— WILBERT TOLENTINO (@sirwil75) December 21, 2021
Kung susuko man ang talent manager ay paniguradong maiintindhan ito ng kanyang alaga.
Bukod dito, marami na rin namang blessings na natanggap si Madam Inutz pero kung para sa kanya talaga ang pagiging parte ng Big 4, matutupad at matutupad ito.
Related Chika:
Chie Filomeno walang galit kay Madam Inutz: She’s still one of my Big 4