Thai actor Nonkul Chanon type makatrabaho si Marian Rivera; bumilib sa boses ng mga Pinoy
Marian Rivera at Nonkul Chanon
NAGPAHAYAG ng kanyang paghanga ang Thai actor na si Nonkul Chanon para sa Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.
Kung mabibigyan daw ng pagkakataon, nais niyang makatrabaho at makasama sa isang proyekto ang aktres at TV host.
Sa isang interview sa sikat na Thai actor, nabanggit nito na napanood niya ang ilang teleserye ni Marian sa Kapuso network at talagang humanga at nagalingan siya sa akting nito, lalo na sa mga matitinding drama scenes.
Bukod dito, super humanga rin ang foreign actor sa talento ng mga Filipino pagdating sa pagkanta.
Napatunayan daw niya na magagaling talagang singers ang mga Pinoy noong nagkaroon siya ng fan meeting dito sa bansa kung saan naka-bonding niya ang ilan sa kanyang mga tagahanga.
Nakilala si Nonkul sa 2017 Thai film na “Bad Genius” na napanood din ng maraming Pinoy. Ang pelikulang ito ang sa mga dahilan kung bakit sumikat dito sa Pilipinas ang binata.
Ang dalawa pang sikat na artista sa Thailand na love na love rin ng mga Filipino fans ay sina Mario Maurer at Gulf Kanawut. Sila ang tatlong Thai stars na nagkaroon ng TV commercial sa bansa para sa isang telecommunications company.
Nakagawa na ng pelikula si Mario dito sa Pilipinas, ang “Suddenly It’s Magic” kasama si Erich Gonzales habang si Gulf naman ay kilala sa kanyang role sa teleseryeng “TharnType”.
Todo ang pasasalamat nina Mario, Nonkul at Gulf sa kanilang Filipino fans dahil patuloy pa rin ang suporta ng mga ito sa kanila.
Sa isang report ng GMA, sinabi ng tatlong Thai superstar na bukas at willing sila na makatrabaho ang mga Filipino artists in the future.
View this post on Instagram
Samantala, napapanood ngayon si Mario sa seryeng “Love Beyond Time,” Lunes hanggang Biyernes, 11:30 a.m sa GMA.
Samantala, hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin sa social media ang pagiging judge ni Marian sa Miss Universe 2021 na talagang agaw-eksena rin sa nasabing pageant.
Sa kanyang Instagram page, ipinost ni Marian ang litrato niya sa Miss Universe suot ang evening gown na ginawa ni Francis Libiran.
Aniya sa caption, “Honoured to be part of the 70th (Miss Universe) selection committee. Truly a great experience I’ll never forget. Thank you for the wonderful time ladies and congratulations to all of you.
“Of course, to the #MarianxMissU team. Love you all! Thanks for joining me in this memorable trip. Here’s to making more memories together!” aniya pa sa caption.
View this post on Instagram
https://bandera.inquirer.net/284055/thai-stars-mario-gulf-nonkul-mataas-ang-respeto-sa-lgbtq-super-bilib-sa-mga-pinoy
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.