Kaori natupad na ang matagal nang pangarap, bilib na bilib kay Direk Cathy | Bandera

Kaori natupad na ang matagal nang pangarap, bilib na bilib kay Direk Cathy

Reggee Bonoan - December 18, 2021 - 06:25 PM

Kaori natupad na ang matagal na pangarap; sobrang humanga kay Direk CathyITO na ang panahong hinihintay ni 2018 Pinoy Big Brother alumna na si Kaori Oinuma, ang maging isa sa lead star ng pelikula at heto na nga pagkalipas ng mahigit dalawang taon ay kasama na siya sa “Love at First Stream” na kinabibilangan ng kapwa niya mga baguhan tulad nina Jeremiah Lisbo, Daniella Stranner at Anthony Jennings mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina handog ng Star Cinema na official entry sa 2021 Metro Manila Film Festival.

Hindi mawala ang mga ngiti ng apat na Gen Z dahil may pelikula silang pang MMFF na dati-rati ay isa sila sa nanonood ng mga pelikulang kasama sa nasabing festival kada taon bukod pa sa may trabaho sila sa panahon ng pandemya.

Sabi ni Kaoiri, “Sobrang laking bagay nito sa akin. Bilang sa panahon ng pandemic hindi naman lahat nagkakaroon ng ganitong opportunity. Sobrang grateful at blessed ako na meron akong ganitong management na ipinagkatiwala nila sa amin itong proyektong ito.

“Hindi ko rin alam kung bakit kami ‘yung nandirito ngayon pero sana ‘yung mga manunuod sa amin bigyan niyo kami ng chance na mapakita sa kanila kung gaano kaganda itong proyektong ginawa namin, Sobrang grateful and blessed ako na meron akong ganito at nakabuo ako ng bagong pamilya.”

Naka-tsikahan ng media ang apat kasama pa ang ibang cast ng “Love at First Stream” na sina Agot Isidro, Iggi Boy Flores at Pinky Amador sa virtual mediacon kamakailan.

Si Jeremiah ang kapartner ni Kaori at base sa feedback ng netizens during the live mediacon sa social media ay tanggap ang partnership ng dalawa as in maraming kinikilig lalo na nu’ng ikuwento ni Direk Cathy na binu-bully ng binata ang dalaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kaori Oinuma (@kaori_oinuma)

Anyway, ang karakter ni Kaori, “Ako dito yung loyal and supportive friend and cousin ni Vilma (Daniela Stranner). Siyempre bilang friend and bilang pinsan gagawin ko ‘yung lahat para sa kanya para matupad din niya yung pangarap niya.

“Dito naman ‘yung pag-build up ng chemistry namin ni Miah siguro nakatulong din si direk Cathy sa amin. May magic si direk eh. Si Miah kasi matagal na kaming magkakilala and magka-Rise Artists Studio din kami. Meron ng nabuong friendship sa amin so siguro nung nasa set kami mas na-build up siguro lalo.”

Sa tanong kung anong memorable experiences ang naranasan niya kay direk Cathy na mas piniling gumawa ng pelikula para sa baguhan kaysa sa mga may pangalan na.

“Nakakatakot sa umpisa pero before ako pumasok sa set nanuod ako ng mga interviews ni direk. Sabi ko, ‘Bakit napakakalog ni direk?’

“Parang ibang-iba sa naririnig ko na nakakatakot siya, terror, ganyan. Pero pagdating sa set, nakakatakot nga talaga siya. Pero habang tumatagal, pag halimbawa off the set, napakakalog ni direk. Sobrang barkada kami.

“Na hanggang ngayon barkada, tawanan, nag-she-share si direk sa amin, ganyan. Parang nawawala yung takot namin sa kanya. Pero pagdating sa set, siyempre ibang direk na yun, ibang direk Cathy na yun. So work is work. Pero off the set naman lahat bonding talaga.

“Si direk Cathy all around eh. Siya ‘yung nag-di-direct, minsan siya ‘yung nag-e-AD (assistant director), siya ‘yung nag-aayos ng buhok namin, siya ‘yung nag-me-makeup, lahat halos si direk Cathy gumagawa.

“Pag nasa set na, pag di niya bet ‘yung buhok sasabihin niya,’Ba’t ganyan buhok mo? Basahin mo nga ng konti ang daming tutyang. Flat! Flat yung buhok akin na yung suklay.’ Siya na lahat. All around si direk grabe. Siya yung nanay namin dun, katawanan, barkada,” pambubuking ng dalaga sa direktora.

Ang paliwanag ni Direk Cathy kaya siya ang gumagawa ay dahil limitado ang tao sa set as in 50 lang kasama na mga artista, production staff and crew. Kaya wala ring mga kasamang assistant ang mga artista. Kung kayang sila-silang mga staff na lang ang gumawa ay sila na lang para makasunod sa safety protocol ng IATF.

Aminado si Kaori na may pressure sa parte niya na mapasama sa “Love at First Stream” lalo’t pang MMFF na sabi nga ni direk Cathy ay ‘nawindang’ siya nang malamang pang festival ang pelikulang ginagawa nila.

“May pressure lalo na ako na-pe-pressure din naman ako. Kasama ko mga kapatid ko dito, si direk Cathy, and parang pag-iisipin mo na makakapagpasaya ka ng mga tao ngayong Pasko, parang mas gumagaan yung pakiramdam ko and excited din ako para dito,” pahayag ni Kaori.

Samantala, napanood namin ang house tour ni Kaori sa YouTube channel niya na umabot sa mahigit 2M views at mayroon siyang 526k subscribers. Ginawa niya ito noong nakaraang taon kung saan inabutan siya ng lockdown sa Japan dahil as of now ay 13 videos palang ang laman ng YT channel niya.

Nagustuhan namin ang live streaming ng dalaga kung saan ipinakita niya ang bahay nila sa Japan na maliit lang at kasama niya ang mama niya pero hindi nakita sa kamera dahil may trabaho raw ito.

Nagustuhan din namin ang episode ni Kaori na convenience store food mukbang kung saan ipinakita niya lahat ng mga pagkaing regular niyang binibili noong doon siya nakatira at nag-aaral at kung paano siya naka-survive sa mga tindang pagkain doon dahil hindi naman siya nagluluto na kulang 1M ang views.

Kaya sa mediacon ay natanong ang dalagita kung ano ang mas gusto niya, ang live streaming o vlogging.

“Bilang hindi naman ako madaldal, nahihirapan ako pag wala akong ka-vlog. So pag streaming kasi nababasa ko naman yung comments ng mga viewers at supporters mo so mas madali makipag-interact sa kanila. And parang mas alam mo yung sasabihin mo kasi minsan nagtatanong sila, may gusto silang malaman and madali nilang masabi kung ano yung i-si-share mo,” paliwanag ni Kaori.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, para sa fans nina Kaori, Daniela, Jeremiah at Anthony ay abangan sila sa “Love at First Stream” simula sa December 25 at sa Fluvial parade nila bukas, Linggo, Dis 19 sa Pasig River.

Related Chika:
Direk Cathy Garcia tinawag na ‘bully’ si Jeremiah Lisbo; Kaori Oinuma umaming napikon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending