Barbie Forteza patutunayan ang pagiging 'Primetime Princess' sa 'Mano Po Legacy' | Bandera

Barbie Forteza patutunayan ang pagiging ‘Primetime Princess’ sa ‘Mano Po Legacy’

Ervin Santiago |December 17,2021
facebook
share this

Barbie Forteza patutunayan ang pagiging ‘Primetime Princess’ sa ‘Mano Po Legacy’

Ervin Santiago - December 17, 2021 - 06:35 AM

Barbie Forteza

MULING patutunayan ni Barbie Forteza na karapat-dapat siya talaga sa titulong Kapuso Primetime Princess.

In fairness, talagang isa pa rin ang dalaga sa pinakamabentang young actress ng GMA 7 kaya naman mula noong magsimula siya sa showbiz ay never siyang napahinga nang matagal o nawalan ng proyekto.

Sa katunayan, panibagong blessing na naman ang dumating kay Barbie matapos ibigay sa kanya ng mga bossing ng GMA 7 ang isa sa mga bonggang pasabog ng network sa 2022.

Siya ang napiling bumida sa upcoming Kapuso family drama na “Mano Po Legacy: The Family Fortune” na hango sa iconic “Mano Po” movies ng Regal Entertainment.

Ito nga ang magiging pambuena-manong handog ng GMA at Regal Entertainment sa 2022 at ayon kay Barbie, isa itong super big blessing sa kanya. 

At kahit daw wala siyang Chinese blood ay siya pa rin ang napusuan ng management para bumida rito kasama ang ilan sa mga premyado at nirerespetong artista sa showbiz.

“Sa totoo lang speechless ako noong nalaman ko na bahagi ako ng serye kasi nga we all know kung gaano kalaki talaga and kung gaano naging part na rin talaga ng movie industry ang Mano Po. 

“To be part of this ngayon na nasa small screen na siya, I am very proud and I’m very honored to be part of this show,” chika ng girlfriend ni Jak Roberto sa nakaraang virtual mediacon ng serye last Dec. 10.

View this post on Instagram

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Gagampanan ni Barbie sa “Mano Po Legacy” ang karakter ni Steffy Dy, isang Filipino-Chinese na mula sa Binondo at magiging bahagi ng mundo ng mayamang angkan ng mga Chan nang magtrabaho bilang assistant ni Cristine Chan, ang karakter naman ni Sunshine Cruz.

Ayon kay Barbie, siguradong makaka-relate ang lahat ng Filipino sa bagong kuwento ng “Mano Po” na tatalakay sa iba’t ibang uri ng pag-ibig, pati na ang tradisyon at mga kakaibang paniniwala ng mga Filipino-Chinese community.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya abangan ang pagsisimula ng “Mano Po Legacy: The Family Fortune” ngayong January, 2022 sa GMA Telebabad. Bukod kina Barbie at Sunshine, makakasama rin dito sina Maricel Laxa, Boots Anson Roa, Rob Gomez, David Licauco at marami pang iba, sa direksyon ni Ian Lorenos.

Sunshine nagpagupit agad ng hair para sa Mano Po Legacy: Kulang na lang tumambling ako sa tuwa!

Jak payag maghubo’t hubad sa movie; pero si Barbie handa na bang magpaka-daring?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending