Fashion designer mula Isabela winner sa ginawang National Costume para kay Miss Nigeria
ANOTHER Pinoy Pride ang nakamit ng Fashion designer mula Isabela nang manalo ang nilikha niyang national costume para kay Miss Nigeria Maristella Okpala Chidiogo sa Miss Universe 2021.
Nanaig sa halos 80 na naggagandahang natcos ang “Mmanwa” na dinisenyo ng 20-year-old fashion and textile technology student na si Kennedy Jhon Gasper!
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=2985834591668682&id=100007265119062&__cft__[0]=AZV5dViC21uz8RQ83hTRcEzXuW08mEUoFE72aUhlMBMt6cgh71Ov0QTe7041iEOq7IJsKHr4p5suQvZgm3814V0zOpy8EgEdrRyKOD3CB-PVw512UI-FG2eXVakmRS0nfIw&__tn__=%2CO%2CP-R
Sa kanyang Facebook post, naiyak na lang ang binata at halos hindi makapaniwala sa kanyang nalamang resulta.
“Thank you Lord ! (crying emoji) Hindi pa rin ako makapaniwala talaga .umiiyak ako kanina habang kayakap si mama ..thank you sa lahat ng mga bumati!” aniya.
Sa kanya namang post noong Disyembre 17, ipinaliwanag ni Gasper na inspired sa famous traditional masquerade ng southern tribe ng Nigera ang nilikhang costume.
“It is made of African Beads, stones, crafts. Mmanwa is a female masquerade costume that’s designed for ceremonial and festive purposes to celebrate the rich Nigerian cultural heritage paying a closer attention to the strength women posses.
“The 3ft tribal mask with the colorful ancient back cape. With Mmanwa’s Face boldly crested on the mask and cape. It represents the beautiful Mmanwa who fought tirelessly to stop girl child mutilation and child slavery while the colorful patterns and embellishments portrays the african dashiki which offers a visual appeal and forms meant to invoke the ancestral spirits.”
Dagdag pa niya, “I picked this particular costume because I see a self-reflection of my cause in this Mmanwa who protects children and women against any form of abuse.”Ayon pa sa binata, nakatuon ang national costume sa malakas na paninidigan ng mga kababihan sa pag-abot ng kanilang pinapangarap kahit na ano pa mang pagsubok ang dumarating sa kanila.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=2984445728474235&id=100007265119062&__cft__[0]=AZXNIEQqSESmg60h-RgFVQ56J1Eu7-j4WCHowJLx_IxG7mGC5c7_LpmPmZbOzOfl0Cc9nWVnGsYUIqldwqNLsJiyQtwNR_v5YP_odYO_D6hgiw&__tn__=%2CO%2CP-R
Ngunit hindi lamang ito ang dinisenyo ni Gasper sa mga naitampok na National Costume sa edisyong ito ng Miss Unvierse.
Siya rin kasi ang nagbigay-buhay sa “The Pearl of Antilles” costume ni Miss Universe Haiti Pascale Belony na nagtatampok sa “indigenous Tainos” ng kanilang isla.
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=2985114698407338&id=100007265119062&__cft__[0]=AZXnk3FcfVgjWp-VGr_4xw5kMzOV9vQT4Lo3eX4uJkrT637BfFXLfQjphaZ52T7gjVfVqs6-a8DrrK1dqTudI4qdmw_FvK51zpwWL6BCtvamUwESQl4cGvx4PbbBaKXiUQM&__tn__=%2CO%2CP-R
Hindi ito ang unang pagkakataon na nabihisan niya ng national costume ang kandidata ng Miss Universe. Noong 2020, pumatok din ang kanyang disenyo kay Miss Cameroon.
Samantala, wagi pa rin ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez na nagtapos sa Top 5 ng kompetisyon. Si Miss India Harnaaz Sandhu ang nagwaging Miss Universe 2021.
Related Chikas:
Indian model-actress na si Harnaaz Sandhu waging 2021 Miss Universe
Marian Rivera umani ng palakpakan at sigawan bilang Miss Universe 2021 judge
Netizens sa Bakunawa natcos ni Bea sa Miss Universe: The best National Costume worn by a Filipina
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.