Maja Salvador muling nakasama ang co-stars sa ASAP Natin ‘To!
MATAPOS ang dalawang taon ay muling nakasama ng aktres na si Maja Salvador ang kanyang co-stars sa Kapamilya musical-variety show na “ASAP Natin ‘To!”.
Naganap ang mini reunion nang i-film nila ang Christmas concert ng TV5 na mapapanood sa December 18 at 19.
Sa mga larawan na ibinahagi ng TV5 sa kanilang Twitter account ay makikita sina Maja at Randy Santiago kasama ang “ASAP Natin ‘To!” main hosts na sina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, at Regine Velasquez.
Base sa larawan ay tila ini-interview nina Maja at Randy ang mga OPM icons na tila magkakaroon ng performance o pwede rin na katatapos lang ng kanilang performance at kinukumusta sila ng dalawa.
Ang totoong diwa ng Pasko ay pagsasama-sama, dahil lahat tayo ay magkakapatid! ❤️ Abangan ang mga Kapatid natin mula sa #ASAPonTV5 sa #TV5ChristmasCelebration!
📅 Dec 18 | ⏰ 8:30PM
📅 Dec 19 | ⏰ 8PM#AtinAngPaskoTV5 pic.twitter.com/0z1uEWEOfu— TV5 (@TV5manila) December 9, 2021
May larawan rin na in-upload sa isang fan account ng aktres kung saan kasama naman nila ang komedyanteng si Bayani Agbayani.
Excited na sa TV5 Christmas Special pic.twitter.com/LIqLh3jRms
— Majasty Slayvador 💙 (@missmsuperstar) December 9, 2021
Si Maja Salvador ay isa sa mga mainstay noon sa “ASAP Natin ‘To!” bago nito nilisan ang Kapamilya network noong 2020 para sumali sa “Sunday Noontime Live” sa TV5, isang musical-variety program produced by Brightlight Productions at CS Studios kung saan ang direktor ay si Johnny Maranan.
Ngunit noong January 2021 ay natapos na ang show at pinalitan ng “ASAP Natin ‘To!” na umeere rin sa TV5 kasama ng “Ang Probinsyano”, “Marry Me, Marry You”, “La Vida Lena”, at “Viral Scandal”.
Bukod sa pagiging parte ng “ASAP Natin To!” ay nakasama rin si Maja sa longest running
Sa kasalukuyan ay pinagbibidahang aktres ang isang TV5 teleserye na “Nina Nino”.
Mapapanood rin si Maja sa longest noontime show ng GMA-7 na “Eat Bulaga” para sa segment na “DC 2021”.
Related Chika:
Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.