Bea Gomez hindi nagpaawat sa Miss Universe 2021 preliminary show

Beatrice Luigi Gomez

Beatrice Luigi Gomez

KUMABOG sa preliminary event ng 70th Miss Universe ngayong Sabado ang pambato ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez.

Talagang inabangan ng mga Pinoy pagaent fans ang pagkakataong ito kahit na madaling araw sa bansa ang online streaming ng prelims.

Iba lang talaga ang experience ng mga nakakapanood sa Eilat, Israel kung saan ginaganap ang kompetisyon.

Kabilang nga rito ang Miss Universe Philippines Director for Communications Voltaire Tayag na tila nagbibigay ng ayuda sa audience view updates nito sa kanyang Instagram account.

Kasama ni Bea si Tayag na lumipad papuntang Israel at agarang nagbibigay ng tulong tulad na lang nang nawala ang isang luggage ng ating kandidata.

Sa post naman ng Missosology, makikita ang kabuuang performance ng Philippine-bet sa preliminary competition.

 

Sulit ang paghihintay ng fans dahil unang-una ay naisigaw muli nang live and proud ng Cebuana beauty ang Philippines sa introduction.

Oozing with class and hotness naman ang pagrampa ni Bea sa swimsuit round kung saan siya pinili niya ang kulay pulang one-piece na isuot.

As expected, nangibabaw ang elegance ng 26-year-old stunner nang rumampa ito sa evening gown portion. Suot niya ang gawa ng Pinoy designer na si Francis Libiran.

Sa official Facebook account ng Miss Universe Philippines, inulan ng reactions ang post nila sa kanyang sinuot na evening gown with the caption “Luigi’s fire from within is in full effect.”

No wonder na easy peasy lamang ito para kay Bea dahil kung matatandaan ay nangibabaw siya sa yugtong ito ng ating national pageant.

Sa katunayan, siya ang nakapag-uwi ng Best in Swimsuit at Long Gown nitong Miss Universe Philippines 2021.

Nagsilbing host sa preliminary competition ang reigning Miss Universe na si Andrea Meza at fashion icon Carson Kressly.

Isa naman sa mga nagsilbing judge ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Magaganap ang final show sa Eilat, Israel ngayong Disyembre 12 (Dis. 13 dito sa Maynila).

Related Chikas:

Dingdong Dantes naging water boy ni Marian sa Miss Universe 2021 prelims

Bollywood actress napasayaw ng ‘Sabay Sabay Tayo,’ napa-wow kay Marian Rivera: She glows like the sun

Read more...