Ang walang disiplinang Special Action Force | Bandera

Ang walang disiplinang Special Action Force

- April 22, 2010 - 01:46 PM

Target ni Tulfo by Mon Tulfo

MATINDING sampal sa Special Action Force (SAF) ang pananambang sa mga miyembro nito ng New People’s Army (NPA), na ikinamatay ng apat na SAF at ikinasugat ng anim na iba pa sa Antipolo City, Rizal.
Ang SAF ang commando unit ng Philippine National Police (PNP). Kung baga, sila ang equivalent ng Rangers o Special Forces ng Philippine Army.
Kapag madaling matalo ang mga elite troops, ibig sabihin kayang-kayang paglaruan ng mga NPA ang ordinaryong tropa.
* * *
Sabi ng mga opisyal ng SAF, papunta ang mga biktima sa kanilang headquarters sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City nang sila’y ma-ambush.
Ang sabi sa report ay pinara ang kanilang sasakyan ng mga sibilyan at sinabihan na may mga armadong kalalakihan sa lugar.
Kung gayon, bakit di sila bumaba ng kanilang sasakyan, nag-spread out at naglakad sa damuhan at hindi sa highway?
Alam na nila na may mga armadong kalalakihan dahil sinabihan na sila, bakit pa sila nagpatuloy sa pagsakay sa kanilang van at di na lang naglakad?
Kung naglakad ang mga SAF sa damuhan, baka na-sorpresa pa nila ang mga nang-ambush sa kanila at ang mga NPA ang nalagasan at hindi sila.
Isa lang ang masasabi ko diyan: Wala kasing disiplina ang mga SAF.
They’re supposed to be disciplined dahil sila ang elite unit ng PNP, pero karamihan sa miyembro ng SAF ay walang disiplina.
Walang pagkakaiba sila sa ordinaryong pulis na ang isip lang ay pangungurakot.
Kaya nga maraming reklamo ng pang-aabuso ang natatanggap ng “Isumbong mo kay Tulfo” laban sa mga miyembro ng SAF.
Wala kaming natatanggap na reklamo laban sa mga Rangers o Special Action Force o mga Marines.
Bakit? Dahil ang SAF ngayon ay di na kagaya ng dati.
Kapag binubugbog ang mga rekolota o bagong miyembro ng SAF ay nagrereklamo agad.
Ang pambubugbog sa rekolota ay parte ng disiplina sa Army at Marines, pero hindi sa PNP.
Nang meron pa akong mga Marines na bodyguards, nalaman ko sa kanila na walang disiplina ang mga SAF.
Kapag may joint operation daw ng mga Marines at SAF, umaangal daw ang mga SAF kapag malayong lugar ang lalakarin.
Sasabihin daw ng mga SAF sa kanilang opisyal na hindi naman daw sila mga ordinaryong sundalo, bakit pa raw pahihirapan sila?
Napapailing na lang daw ang mga Marines at pinagtatawanan ang mga SAF.
Magagara raw ang mga armas ng SAF—gaya ng mga MP5 machine pistol at Ultimax machine gun na wala sa Army at Marines—pero parang pang-display lang daw ang kanilang mga baril.
* * *
Ang kawalan ng disiplina ng SAF ay reflection sa pamunuan ng PNP.
Dahil puro pangungurakot lang ang alam ng pamunuan ng PNP, ganoon din ang mga tauhan sa ibaba.
May naging bodyguards ako na miyembo ng SAF at hindi ko nagustuhan ang kanilang mga kilos at asta.
Kapag ako’y kumain sa restaurant kasama ang aking mga kaibigan, ang aking mga bodyguards na SAF ay umoorder din. Kung ano ang aming inorder, gaya ng steak, ganoon din ang kanilang inoorder.
Hindi nagtagal sa akin ang mga SAF bodyguards.
Kaya ko paborito ang mga Marines dahil alam nila kung saan ang kinalalagyan nila, di gaya ng SAF na ang alam ay kapantay mo sila.

Bandera, Philippine News, 042210

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending