George Clooney tumanggi sa $35M alok para sa isang araw na trabaho
Trulili??!
Tumataginting na $35 milyon o P1.77 bilyon ang alok ng isang airline company na tinanggihan ni George Clooney.
Ang kapalit: isang araw lamang na trabaho para sa isang patalastas ng airline.
“Inalok ako ng $35 milyon para sa isang araw na trabaho para sa isang airline commercial, pero nag-usap kami ni Amal tungkol dito at napagdesisyunan namin na hindi bale na lang,” anang premyadong Amerikanong aktor at filmmaker sa panayam ng The Guardian na pahayagan sa UK.
Si Clooney ay kasal sa human rights lawyer na si Amal Clooney Alamuddin.
Ang naturang airline ay may kaugnayan sa isang bansa, na bagama’t itinuturing na isang alyado, ay may mga panahong kwestyunable, ayon pa sa aktor na nanalong best supporting actor sa Academy Awards sa pelikulang “Syriana.”
‘Well, if it takes a minute’s sleep away from me, it’s not worth it,'” wika pa ni Clooney.
Hindi niya binanggit ang pangalan ng airline.
Samantala, malapit nang ipalabas ang pelikulang “The Tender Bar” na kanyang idinerek. Kinatatampukan ang pelikulang ito nina Ben Affleck, Daniel Ranieri at Tye Sheridan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.