3 mula Africa positibo sa Covid-19, ayon sa DOH
TATLONG pasahero ng eroplanong dumating sa Pilipinas galing sa Africa ang positibo sa Covid-19, pahayag ng Department of Health ngayong Biyernes.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dumating ang tatlong manlalakbay mula sa South Africa, Burkina Faso at Egypt. Ang bansang Egypt ay nasa kontinente ng Africa at Asia.
“Mayroon pong dumating na 253 from South Africa noong Nov. 15 to 29, may tatlo galing Burkina Faso, and mayroong 541 galing sa Egypt. Each of these countries, nagkaroon ng isang traveler who tested positive for COVID-19,” wika ni Vergeire sa isang online media briefing.
Umaabot na sa 35 bansa at mga teritoryo ang may kaso ng Omicron variant, ayon kay Vergeire. Hindi pa umano kasama dito ang Burkina Faso at Egypt na parehong wala rin sa “red list” ng Pilipinas.
Sinabi pa ni Vergeire na ang tatlong South African nationals na dumating sa Negros Occidental noong Nobyembre 25 at 26 ay bakunado na at walang anumang ipinapakitang sintomas ng Covid-19.
“They are all undergoing quarantine in rented houses and have undergone re-swabbing last December 1 with pending test results,” wika niya.
Unang na-detect ang Omicron sa southern Africa noong nakaraang buwan at itinuturing itong “variant of concern” ng World Health Organization. Nangangalap pa rin ng impormasyon ang mga dalubhasa para alamin kung gaano ito kabagsik at nakakahawa.
Mula sa ulat ni Cathrine Gonzales, INQUIRER.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.