Motorcade nina Bongbong, Sara, isasagawa sa Quezon City
Magsasagawa ng motorcade sa Quezon City ang kampo nina dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa darating na Disyembre 8, pahayag ni Rep. Mike Defensor (Anakalusugan) ngayong Huwebes.
“We’ve abandoned our plans to hold a large gathering in Liwasang Aurora,” ani Defensor, na tumatakbong mayor ng Quezon City.
Wala aniyang kasiguruhan na mabibigyan sila ng permit sa paggamit ng Liwasang Aurora sa loob ng Quezon Memorial Circle.
“We feel that Bongbong and Inday Sara have been treated unfairly and have become victims of political discrimination,” ani Defensor.
Maraming tagasuporta ang nagalit dahil sa pagbabago ng planong ito, wika pa niya.
Ang motorcade ay isasagawa nina Marcos, na tumatakbong pangulo, at ng kanyang bise-presidente na si Duterte-Carpio sa kahabaan ng Commonwealth Avenue at Quezon Avenue sa Quezon City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.