Angeline Quinto 3 buwan na raw buntis sa non-showbiz boyfriend? Bandera

Angeline Quinto 3 buwan na raw buntis sa non-showbiz boyfriend?

Reggee Bonoan |December 02,2021
share this

Angeline Quinto 3 buwan na raw buntis sa non-showbiz boyfriend?

Reggee Bonoan - December 02, 2021 - 12:28 PM

Angeline Quinto

TRULILI kayang tatlo o apat na buwan na raw nagdadalang-tao si Angeline Quinto? 

Kaya ba hindi ito nasagot ni Erik Santos sa panayam niya kay ‘Nay Cristy Fermin kasama si Romel Chika sa “Cristy Ferminute” nitong Martes ng hapon ay dahil ayaw niyang sa kanya ito manggaling.

Napainom ng tubig si Erik at ang tanging nasabi ni ‘Nay Cristy ay, “Okay na ‘yang statement mo, pag inom mo ng tubig.”

Oo nga naman hindi dapat manggaling kay Erik ang kasalukuyang estado ngayon ng babaeng minsang napalapit sa puso niya bilang respeto sa kasalukuyang karelasyon ngayon ng dalaga.

Anyway, ayon sa aming source ay mag-aanunsyo naman daw si Angge very soon at baka sa kanyang concert sa Metropolitan Theater niya pormal ipakikilala ang ama ng kanyang dinadala.


Matagal na rin namang gusto ni Angeline na magkaroon ng anak kahit noong nabubuhay pa si Mama Bob, pero ‘yun nga wala naman kasi siyang boyfriend noon.

At ngayong wala na nga ang adoptive mother niya kaya nagdesisyon na rin siyang mag-anak kahit hindi pa kasal para may makasama siya at maibsan ang pangungulila niya sa pagkawala ng taong mahal na mahal niya.

Sa kasalukuyan ay hindi pa namin nakakausap si Angeline kaya wala pa kaming makuhang sagot mula sa kanya. Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ng singer-actress.

Angeline maligaya na sa piling ng non-showbiz BF, inaming ‘nag-try’ sila ni Erik: Pero sabi ko wag na nating pilitin

Angeline nahawa ng COVID sa taong nakasabay sa pagkain: Siguro napabayaan ko rin ang sarili ko…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending