Maja tumatanaw pa rin ng utang na loob sa ABS-CBN: Hindi naman biro ang 18 years... | Bandera

Maja tumatanaw pa rin ng utang na loob sa ABS-CBN: Hindi naman biro ang 18 years…

Ervin Santiago |November 30,2021
facebook
share this

Maja tumatanaw pa rin ng utang na loob sa ABS-CBN: Hindi naman biro ang 18 years…

Ervin Santiago - November 30, 2021 - 07:57 AM

Maja Salvador at Rei Tan

MUKHA namang walang pinagsisisihan si Maja Salvador sa naging desisyon niyang iwan ang ABS-CBN para lumipat sa ibang TV network.

Ngunit agad sinabi ng dalaga na isang mahabang proseso pa rin ang pinagdaraanan niya mula nang mawala siya sa Kapamilya Network at maging Kapatid at Kapuso.

Napapanood si Maja sa isang teleserye ng TV5 at sume-segue din tuwing Sabado sa longest-runnig noontime show na “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Inamin ni Maja na hindi rin naging madali sa kanya ang lisanin ang ABS-CBN ngunit unti-unti na rin daw niyang natatanggap ang major career move na ginawa niya para maging isang independent artist.

Tanggap ng actress-singer at dancer ang pamba-bash sa kanya noon ng mga netizens na  kumuwestiyon sa kanyang loyalty kasabay ng pagsasabing hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng ginawa sa kanya ng ABS-CBN sa loob ng halos dalawang dekada.

“Every day is still a process for me. May proseso pa rin sa akin. Of course with 18 years sa ABS-CBN very grateful and hindi naman natin winish na mangyari kung ano ang nangyari sa ABS, ‘di ba? 

“So ayun, kung nasaan man ako ngayon, I am thankful, blessed ako and kung nasaan at kung anuman ang mga shows na ginagawa ko. But still, every day is a process pa din for me, ‘yung acceptance, ‘yung kung nasaan,” pahayag ni Maja sa bonggang press launch para sa kanya ng Beautéderm Corporation bilang pinakabagong brand ambassador.

Patuloy pa ng dalaga, “I am happy kasi, siguro po, ‘yung 18 years ko na ‘yun sa industriya nandoon na ‘yung mga experience ko at may mga taong nagtitiwala sa akin kaya hindi pa rin po tayo napapabayaan ni God, kaya ang dami rin pong mga offers. 

“Masaya, grateful, but still, nandoon pa rin tayo sa paggising mo, proseso na, ‘ay oo nga pala’, ganu’n,” katwiran pa niya.

Sa ngayon, bukod sa pag-aartista at iba pang karaketan, nagtayo na rin si Maja ng sariling talent management company kasama ang kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez. Ang una nilang naging contract artist ay si John Lloyd Cruz.

Samantala, bilang bahagi ng ika-12 anibersaryo ng Beautéderm at ng kaarawan ng President at CEO nitong si Rhea Anicoche-Tan, opisyal nang inilunsad ang Reiko and Kenzen health boosters na ineendorso nga ni Maja. 

Ito’y para tulungan ang bawat tao na magkaroon ng balanse at malusog na pamumuhay.

Kabilang si Maja sa mga pinaka-acclaimed at prolific na mga artista sa industriya ngayon na talaga namang umaarangkada sa telebisyon, pelikula, at pati na rin sa musika bilang dancer at singer.

Maliban sa kanyang mga legendary live performances at sa mga iconic na karakter na kanyang binigyang-buhay sa pinilakang tabing at sa telebisyon, balik hosting na rin si Maja bilang isa sa mga mainstays ng “Eat Bulaga.”

“Malaking blessing ang Beautéderm at honored ako to be a brand ambassador ng kanilang health boosters. Naniniwala ako na dapat lahat balanse – there’s a time to work and a time to unwind and have fun. 

“Pero ang constant sa buhay ko ay ang aking conscious effort to stay healthy. Napakahalaga ng health at pinagtutuunan ko ito ng pansin araw-araw,” aniya pa.

Sabi naman ni Rei Tan, “We have been working on Reiko and Kenzen for a very long time and now that it is finally here, worth the wait talaga. 

“Bago pa man ang pandemic, very conscious na ako sa aking kalusugan and now more than ever, we all need to strengthen our immune system in order to survive to work hard for our families and loved ones. 

“I am one with Maja in advocating a balanced, healthy lifestyle at overjoyed ako to welcome Maja to the family,” sabi pa ni Rei Tan na patuloy pa ring tumutulong at sumusuporta sa iba’t ibang charitable institutions.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by MAJA (@iammajasalvador)

Maja tinanggihang makatambal si Gerald sa ‘Init Sa Magdamag’, respeto lang daw kay Rambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending