Sexy star ng Viva pinayagan ng ama na maghubad sa pelikula: Pero bawal akong hawakan sa boobs! | Bandera

Sexy star ng Viva pinayagan ng ama na maghubad sa pelikula: Pero bawal akong hawakan sa boobs!

Ervin Santiago |November 28,2021
facebook
share this

Sexy star ng Viva pinayagan ng ama na maghubad sa pelikula: Pero bawal akong hawakan sa boobs!

Ervin Santiago - November 28, 2021 - 04:29 PM

Cara Gonzales at Jela Cuenca

PINAGSASABAY ng bagong sexy star na si Cara Gonzales ang pag-aartista at pag-aasikaso sa kanyang sariling business.

Isa si Cara sa lead stars ng bagong pelikula ng award-winning director na si Brillante Mendoza, ang “Palitan” kasama ang Kapuso hunk na si Luis Hontiveros at ang dalawa pang baguhan sa showbiz na sina Jela Cuenca at Rash Flores.

Kuwento ni Cara sa nakaraang virtual mediacon ng nasabing pelikula under Viva Films, talagang desisyon niya ang sumabak sa paghuhubad sa pelikula bilang stepping stone para makilala siya sa showbiz industry.

Ngunit ayon sa dalaga, galing siya sa konserbatibo at relihiyosong pamilya, “Ang father ko is contractor so nasa construction business kami. Ako yung nagsu-supervise after ko mag-aral.

“Meron po akong meat shop, kaya ngayon, pinagsasabay ko yung business ko sa showbiz. Galing ako sa religious and conservative family kaya sobrang layo ng personality ko sa role ko sa Palitan. Sobrang daring, sobrang all-out ako,” aniya pa.

View this post on Instagram

A post shared by Cara Gonzales (@caragonz_official)


Dagdag pa ng baguhang aktres, “Para sa akin, nahihiya ako kasi nga ang hirap ipakita, puro lalake yung kapatid ko.

“Six kaming magkapatid, nag-iisa lang akong babae, so parang nahihirapan ako na i-express na sobrang daring ang role ko,” chika pa ni Cara.

Ngunit aniya, may ibinigay na kundisyon ang kanyang tatay sa kanyang pagpapaseksi, “Yung isang ipinagbabawal sa akin, bawal ako magpahawak ng boobs, yun ang sabi ng father ko para payagan ako mag-sexy role. 

“Yun ang concern ng father ko. Ang father ko ang nagsabi na walang hawak sa boobs, pero lahat okay,” pahayag pa ni Cara.

Itinuturing naman niyang mga idolo at mentor ang mga dating sexy star at naging palaban din sa hubaran na sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Ara Mina at Maui Taylor na kasama naman niya sa sex-comedy film ng Viva na “Pornstar 2: Pangalawang Putok”.

“Nakita ko kasi kung paano sila nag-umpisa. Actually, mas malala pa nga yung ginagawa nila dati kesa ngayon.

“Kumbaga, yung camera nila, iba sa camera natin ngayon. Parang yung sa kanila, kapag sinabing hubad, makikita na talaga ng ibang tao.

“Unlike sa atin ngayon, minsan naitatago talaga. Pagdating sa sex scenes, nag-aalisan na yung mga tao. Ina-idolize ko sila kasi mas na-experience nila yung dating mas malala kesa ngayon,” sabi pa ng dalaga.

Samantala, maswerte ang mga bida sa GL (girls love) sexy-thriller movie na “Palitan” dahil nakatrabaho nila ang internationally-acclaimed director na si Brillante Mendoza.

Kwento ito ni Jen (Cara), isang openly bisexual na babae at ang kinakasamang si James (Luis), na may pinagdadaanang depresyon. Magulo at komplikado ang kanilang relasyon ngunit nagagawan pa rin nila ng paraan na hindi bumitaw sa isa’t isa. 

Para makalimot at makapahinga sa problema ng pandemic, maggpupunta sila sa probinsya ni Jen, pero ang sasalubong pala sa kanila ay isang tao mula sa nakaraan ni Jen na kailanman ay hindi niya nakalimutan, ang tunay niyang pag-ibig, si Marie (Jela), na ngayon ay ikakasal na sa kanilang kaibigan na si Al (Rash).

Magkikita-kita at magre-reunion ang apat, na mauauwi sa isang mainit at mapusok na gabi sa pagitan na Jen, James, Marie at Al. Hahayaan nila ang mga sarili na magpadala sa natatago nilang pagnanasa sa isa’t isa.

Abangan ang pakikipaglaro sa apoy nina Jen, James, Marie at Al para sa pag-ibig sa “Palitan” na mapapanood na sa Vivamax simula sa Dec. 10.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Cara Gonzales (@caragonz_official)

https://bandera.inquirer.net/298331/luis-hontiveros-hindi-ipinaalam-sa-pamilya-ang-paghuhubad-sa-palitan-ni-brillante-mendoza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending