Kyle Echarri natanggal na rin sa PBB 10: Tanggap ko po ang nangyari sa akin! | Bandera

Kyle Echarri natanggal na rin sa PBB 10: Tanggap ko po ang nangyari sa akin!

Ervin Santiago |November 28,2021
facebook
share this

Kyle Echarri natanggal na rin sa PBB 10: Tanggap ko po ang nangyari sa akin!

Ervin Santiago - November 28, 2021 - 11:11 AM

Kyle Echarri

NATAPOS na rin ang journey ng Kapamilya singer-actor na si Kyle Echarri sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10″ ng ABS-CBN.

Siya ang pinakabagong housemate na lalabas sa Bahay ni Kuya matapos ang naganap na eviction night kahapon.

Ang member ng The Gold Squad ang nakakuha ng pinakamababang combined scores sa votes to save at evict na 22.25%. Ang isa pang nominado sa eviction night ay si Anji Salvacion na may 30.03% at sinundan ni Alexa Ilacad na nakakuha ng 27.98%.

Bago lumabas ng PBB house, binigyan muna siya ng mensahe ni Big Brother, “Dito nakahanap ka ng panibagong pamilya at mga alaalang magiging bahagi na ng iyong buhay. Nais kong baunin mo ang lahat ng ito sa iyong paglabas.”

“I was ready to face the outside world and I’m excited sa mga next na mangyayari sa akin. And yun po, tanggap ko kung ang nangyari sa akin ngayong gabi,” sey naman ni Kyle na handa na uling makipaglaban sa mga bagong hamon ng buhay na haharapin niya sa outside world.

View this post on Instagram

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)


Kung matatandaan, naging isyu sa Bahay ni Kuya ang pagiging nominado ng binata sa naganap na eviction night matapos magpakatotoo ang celebrity housemate na si Samantha Bernardo. 

Nag-viral at naging isa pa sa top trending topic sa Twitter ang naging komento ng beauty queen tungkol kay Kyle na tinaguriang “Golden Son ng Cebu”. 

Isa sa reklamo nito ay ang hindi pagtulong ng aktor sa mga gawain sa loob ng PBB house. 

Sabi ni Samantha noong nomination night, “One point si Kyle. Tinuruan ko na po siya na magsaing, pero hindi pa rin po siya tumutulong sa gawaing bahay.”

Dahil dito, naging nega ang dating ng young actor sa madlang pipol kaya naman agad siyang ipinagtanggol ng kanyang inang si Marie Echarri sa pamamagitan ng social media.

“Don’t fret, no matter how misunderstood, criticized and denigrated, those of us who know you and see the good in you are here to continue reminding you that you are loved. You are not perfect but to us you are enough,” mensahe ng nanay ng Kapamilya actor.

Si Kyle ang ikaapat na housemate na natanggap sa “PBB 10”, ang naunang tatlo ay sina John Adajar, Albie Casino at Chie Filomeno. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “PBB” buong linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC. Tuloy-tuloy din ang livestream ng mga kagapanapan sa loob ng Bahay ni Kuya sa Kumu.

Kyle Echarri balak sumabak sa politika; nanawagan sa kabataan na magparehistro para makaboto

Kyle Echarri inihanda ng pandemya para mas maging palaban sa buhay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending