TV host turned businessman idedemanda sa hindi pagbabayad sa mga staff; ‘Wholesome’ actress na malakas uminom gumapang sa kalasingan | Bandera

TV host turned businessman idedemanda sa hindi pagbabayad sa mga staff; ‘Wholesome’ actress na malakas uminom gumapang sa kalasingan

Reggee Bonoan |November 27,2021
facebook
share this

TV host turned businessman idedemanda sa hindi pagbabayad sa mga staff; ‘Wholesome’ actress na malakas uminom gumapang sa kalasingan

Reggee Bonoan - November 27, 2021 - 06:10 PM

HINDI na muna namin papangalanan ang dating TV host turned businessman na hindi binayaran ang mga staff na kinontrata niya sa isang malaking project.

Naguusap-usap ang mga staff sa plano nilang idaan sa legal na usapin ang hindi pagbabayad sa kanila ng dating TV host turned businessman gayung may pambayad naman.

Si dating TV host turned businessman ay floating noon kaya walang trabaho dahil nagbawas ng empleyado at programa ang TV network kung saan isa siya sa main host sa sikat na show.

At dahil magkakilala sina TV host at dating ka-trabaho nito sa TV network ay ipinasok ng huli ang una sa isang malaking project na tuluy-tuloy lang.

Okay naman daw sa first few months at nagulat na lang na dumiretso na ang dating TV host sa pinaka-boss at hindi alam kung anong nangyari dahil bigla na rin siyang naging boss at siya na ang may hawak ng budget sa bawa’t project.

Ang ending natapos na ang project pero hindi nabayaran ang mga staff dahil wala pa raw ang budget, hindi pa nare-release.

Nagtataka ang lahat dahil alam nilang na-release na ito kaya nag imbestiga ang mga staff at bingo, nalamang matagal na palang ibinigay sa dating TV host ang budget pero lagi nitong sinasabi wala pa sa kanya.

Kumpleto sa sa dokumento ang mga staff kaya idadaan nila sa legal na paraan para makuha ang perang pinagtrabahuan nila.

* * *
Sa isang umpukan ng mga artistang kasama ni aktres sa isang drama/comedy series ay nagugulat sila na malakas palang uminom ito at wala sa itsura kasi nga wholesome ang pakete niya.

Kaya nga maging ang mga TV at movie projects niya ay metikulosong pinipili ng management company niya para sa kanyang magandang imahe sa publiko.

Nang ikuwento ito sa amin ng taong nakakita mismo sa aktres kung paano ito uminom at gumapang kapag nalasing ay nakagugulat. Bale ba lagi itong may kasamang kaanak kapag may lakad mapa-trabaho o hindi.

“Pero on that particular day, walang kasama si (aktres), wala ring personal assistant, siya lang kasi nga bonding lang with co-actors plus may mga edad na rin naman ang mga kasama niya.

“E, chillax lang naman ‘yung mga kasama ni (aktres) habang umiinom kasi more on kuwentuhan at kainan, e, si (aktres), tagay talaga, ikot to the max. Actually may kasama rin siya kaibigan niya, umiinom din pero kaya niya ang sarili at hindi naman gumapang.”detalyadong kuwento sa amin.

So anong nangyari nu’ng gumapang na sa kalasingan ang aktres.

“Hayun hinatid na sa kuwarto niya nagulat ‘yung kasama niya kasi nagtanggal na siya ng mga suot niya, naiwan pa nga ‘yung ibang gamit doon sa inuman,”sabi pa.

Ang aktres kapag nalalasing ay sobrang lambing at nakalingkis daw sa boyfriend niya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So, alam na this,” sambit ng kausap namin.

Okay lang naman dahil tototohanin naman si aktres ng boyfriend niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending