Kyle ipinagtanggol ng ina sa mga bashers: You are not perfect but to us you are enough... Bandera

Kyle ipinagtanggol ng ina sa mga bashers: You are not perfect but to us you are enough…

Therese Arceo |November 25,2021
share this

Kyle ipinagtanggol ng ina sa mga bashers: You are not perfect but to us you are enough…

Therese Arceo November 25, 2021 - 07:47 PM

Kyle ipinagtanggol ng ina sa mga bashers: You are not perfect but to us you are enough...

DUMEPENSA si Marie Echarri para sa anak na si Kyle Echarri na kasalukuyang kinukuyog ng mga bashers.

Ito ay matapos maging nominated for eviction ang Kapamilya star sa “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10”.

Nakakuha si Kyle ng 13 points habang si Anji Salvacion ay nakakuha ng 11 points at 7 points naman para sa aktres na si Alexa Ilacad.

Naging trending naman si Kyle matapos ang nomination dahil sa mga naging dahilan ng housemates sa pagboto sa kanya.

Ilan sa mga housemates kasi ang nagreklamo dahil diumano’y hindi tumutulong sa gawaing bahay si Kyle kahit na tinuruan na siya para gawin ang ilang bagay.

May mga supporters rin ng KyCine ang tila naimbyerna sa ikinikilos nito sa loob ng bahay lalo na ang pagiging malapit nito sa GirlTrends member na si Chie Filomeno.

Kaya naman agad na sumaklolo ang ina ni Kyle at agad siyang pinagtanggol.

Magkakasunod ang naging post ng ina ni Kyle sa Instagram para dipensahan ang anak.

“Don’t fret, no matter how misunderstood, criticized and denigrated, those of us who knows you & sees the good in you are here to continue reminding you that you are loved. You are not perfect but to us you are enough,” post ng ina ni Kyle noong Nov. 22.

Muli itong nag-post noong Nov. 23 kung saan ibinahagi niya ang litrato ni Kyle noong 10 years old siya.

“Perfectly imperfect and we love you just the way you are.”

Nag-post ulit ito kahapon, Nov.24 kasama ang litrato ni Kyle sa tabi ng kanyang motor.

“We all got our moments, we fall, we fail, we breakdown and that’s okay. Thank God for being human.

“At the end of the day, what’s important is your effort to get back on your feet, your courage to acknowledge your flaws/weaknesses and your determination to better your self.

“Everyday is a gift to do better & be better. You got control of the wheel, let it take you where you want to go.”

At kanina lamang, Nov. 25 ay nag-post ito ng mga screen grabbed photos ni Kyle habang nasa loob ito ng PBB house.

“Been a ride for him so far as he has discovered his strengths and weaknesses. He’s had his share of victory & defeat, happiness & breakdowns, all serving him realizations.

“He’ll cope & emerge triumphant because he has learned an important lesson: Permit yourself to feel the pain but never allow yourself to drown in it.

“One day at a time, slowly but surely. Be thankful. Every struggle makes you stronger & wiser. Stay humble. Sing through your pain & dance through life’s lessons. You are the author of your own story.”

Unang nakilala si Kyle nang sumali ito sa “The Voice Kids” noong 2015 sa ilalim ng grupo ni Sarah Geronimo.

Sumikat naman ito nang mapabilang sa teleseryeng “Kadenang Ginto” kung saan nabuo ang love team nila ni Francine Diaz.

Related Chika:
Kyle Echarri nabili na ang dream car sa halagang P3M: It’s crazy!
Kyle Echarri balak sumabak sa politika; nanawagan sa kabataan na magparehistro para makaboto

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending