Mavy huli sa akto nang halikan si Kyline Bandera

Mavy huli sa akto nang halikan si Kyline

Therese Arceo |November 25,2021
share this

Mavy huli sa akto nang halikan si Kyline

Therese Arceo November 25, 2021 - 05:28 PM

Mavy huli sa akto nang halikan si Kyline

MUKHANG nag-level up na talaga ang relasyon ng Kapuso stars na sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

May kumakalat kasing video kung saan huling huli sa akto ang young actor na hinahalikan sa forehead ang dalaga.

Ito ay kuha habang naka-stream si Kyline.

Makikita sa video na naka-bend si Mavy at tila may tinitignan sa screen ng computer. Nang umangat ang tingin ni Kyline sa isa pang screen ay dahan-dahang humalik sa noo ng dalaga si Mavy.

“Naka-video,” nakakatawa ngunit tila nahihiyang sabi ni Kyline.

Bigla namang iniwas ng binata ang sarili na tila nahiya sapagkat nakunan sa kamera ang pagiging sweet niya sa dalaga.

Maririnig rin sa background ang boses ni Mavy na nagsasabing, “Naka-video, sorry.”

@stan_mavline hoy mamaya na yan naka stream kayo haha #mavline #fypシ #kylinealcantara #mavylegaspi ♬ original sound – MavLine🌻

Matatandaan na matagal nang may bulung-bulungan kung ano ang tunay na namamagitan sa dalawa.

Sa nakaraang media conference ng dalawa para sa teleseryeng “I Left My Heat in Sorsogon”, naitanong na kung nanliligaw na nga ba ang aktor kay Kyline.

Hindi naman ito direktang sinagot ni Kyline ngunit inamin niya na masaya siyang kasama si Mavy.

“Siguro, maybe. This is a very showbiz answer but I really enjoy his company. Like truly, from the bottom of my heart, I really enjoy his company as friends and as… Well, we don’t know the future,” pagbabahagi ni Kyline.

Ngunit wala mang kumpirmasyon mula kina Kyline at Mavy ay sapat na ang mga actions na ginagawa ni Mavy kay Kyline para mas kiligin ang kanilang supporters at umasa na hindi magtatagal ay magiging real-life couple na ang dalawa.

Related Chika:
Kyline sa ‘panliligaw’ ni Mavy: Nakakadalagang-Filipina, super gentleman!
Kyline pasado kay Carmina bilang dyowa ni Mavy
Si Kyline Alcantara nga ba ang mystery girl sa buhay ni Mavy Legaspi?

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending