Jennica sinita ng ama dahil sa bikini photo: Binura ko na lang, baka magka-virtual sermon pa po | Bandera

Jennica sinita ng ama dahil sa bikini photo: Binura ko na lang, baka magka-virtual sermon pa po

Alex Brosas |November 24,2021
facebook
share this

Jennica sinita ng ama dahil sa bikini photo: Binura ko na lang, baka magka-virtual sermon pa po

Alex Brosas - November 24, 2021 - 07:38 AM

Jennica Garcia

NASITA si Jennica Garcia ng kanyang father na si Jigo Garcia nang mag-post siya sa kanyang Instagram account ng dalawang photos kung saan naka-bikini siya.  

Sa kanyang latest post sa IG, sinabi ni Jennica na naiintindihan niya ang kanyang ama.
“Yung mga late nagising, hindi nakita kung ano yung binura ko sa kaba ko sa ‘BAKIT’ ni Papa.

“Ito lang po yun, yung iba kasi iba po ata iniisip. Kung ano pose ba yun. Naiintindihan ko naman po,” paliwanag ni Jennica.

“Ito na po mismo yun kaya lang kanina naka bikini bottom. Ngayon tinakpan na po natin ng skirt na transparent background galing Google para di na po kayo mag isip masyado kung anong klaseng photo ba at saan mahahanap. Para di rin tayo masermonan ni Papa.

“Tawa tawa pa ko sa second picture…Nag co-compose na pala ng message sa kin Papa ko. Sige, tawa pa. May kalalagyan ka,” sabi ni Jennica.

Hindi naman malaswa ang bikini photo ni Jennica kaya lang masyadong conservative ang kanyang ama kaya sinita siya. 

Sagot naman niya sa isang netizen kung bakit binura niya agad ang kanyang post, “Kinabahan po kasi ako. Binura ko na lang po kasi hindi ko rin alam isasagot ko. Baka kasi pag sinabi ko nag-swimming lang po ako Papa eh, biglang magka-virtual sermon po. 

“Parang misa po ganon. Nakiramdam na lang po ko, binura ko na lang. Baka kasi malungkot si Papa ko rin hehe.

“Sobrang mabait po ang Papa ko, sadyang conservative lang po siya. Si Papa ang nakaka alam ng tama at wasto hehe. Dami pa balak ilapag na pictures. Balik rash guard at board shorts ka ngayon,” sabi pa ni Jennica.

View this post on Instagram

A post shared by Jennica Garcia (@jennicagarciaph)


* * *

Nauwi ni Reinanay Julianne Torres ang titulo bilang kauna-unahang “Reina ng Tahanan: Ang Pinakanatatanging Ina”.

Siya ang napiling koronahan bilang pinakanatatanging ina matapos niyang nakuha ang pinakamataas na total combined scores na 96.8% mula sa choosegados na sina Amy Perez, Ruffa Gutierrez, Janice de Belen, at special guests na sina Elisse Joson at Gloria Diaz.

Bilang kauna-unahang “Reina ng Tahanan: Ang Pinakanatatanging Ina,” nanalo siya ng P300,000, isang brand new house and lot mula sa Lumina, isang negosyo package mula sa UrbaniTea na nagkakahalagang P248,000, alahas mula sa Manila Diamond Studio na nagkakahalagang P112,000, at koronang dinisenyo ni Manny Halasan.  

Nakakuha naman ng P100,000 at jewelry set ang first runner-up na si Leona Andersen at P50,000 at jewerly set ang second runner-up na si Lilia Aban.

Sa unang round ng kompetisyon, sumabak ang walong finalists sa evening round rampa, The Greatest Showmom, at Q & A. Una ngang natanggal sa kompetisyon sina  Diana Jade Salundaguit, Catrina Antonio, Analyn Salvador, Zenaida Villas, at Yolly Magat matapos makakuha ng lowest scores mula sa choosegados.

Namahagi rin ng special awards ang “Reina ng Tahanan” grand finals, kabilang na ang The Greatest Showmom Award para kay Lilia Aban, Gowndang Nanay Award para kay Julianne Torres, MAMAasahang Kaibigan Award para kay Zenaida Villas, at Madlang Pipol’s Choice para kay Leona Andersen.

Napanood din ng viewers ang musical tribute na ginawa nina Nyoy Volante, Jed Madela, Jason Dy, at “TNT” grand winners na sina JM Yosures at Reiven Umali para sa Reinanays.

Sinubaybayan naman ng netizens ang grand finals at nagtrending din ang hashtag ng show na #TangingReINAngTahanan sa Twitter Philippines. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Panoorin ang “It’s Showtime” mula Lunes hanggang Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel at iba pang platforms ng ABS-CBN.

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Jennica umalma sa fake news, hindi kailanman sisiraan si Alwyn sa publiko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending