Barbie ikinumpara ni Diego kay Teresa: She’s maternal, sobrang caring niya like a mom! Bandera

Barbie ikinumpara ni Diego kay Teresa: She’s maternal, sobrang caring niya like a mom!

Ervin Santiago |November 22,2021
share this

Barbie ikinumpara ni Diego kay Teresa: She’s maternal, sobrang caring niya like a mom!

Ervin Santiago November 22, 2021 - 09:39 AM

Diego Loyzaga at Barbie Imperial

WALA nang hiya-hiya ang magdyowang Diego Loyzaga at Barbie Imperial sa pagpapakita ng pagmamahal nila sa isa’t isa kahit sa harap ng entertainment media.

Sa nakaraang virtual mediacon ng kauna-unahang pelikula ng celebrity couple na “Dulo” under Viva Films directed by Fifth Solomon, ay game na game nilang sinagot ang tanong ng press.

Kumusta ang naging experience nila bilang magka-loveteam sa kanilang first movie? Sagot ni Barbie, “Ako po sobrang saya, sobrang happy kasi sinabi ko naman po before na gusto kong maka-work si Diego.

“Sobrang happy and grateful ako sa Viva na binigyan nila ako ng project na kasama si Diego. Meron pa actually kaming gagawin sa Viva and happy ako na si Diego yung una kong nakasama,” lahad ng Kapamilya actress.

Natanong din kung personal at first choice sila ni Direk Fifth para sa role nina Dex and Bianca na nagkakilala sa isang dating app na nauwi nga sa pagiging live-in partner.

“Well, si Direk Fifth po matagal ko na siyang kaibigan. Actually, we don’t know kung talagang handpicked ba kami rito,” sagot ni Barbie.

Inamin din ng dalaga na matinding adjustment ang ginawa nila ni Diego para mabigyan ng justice ang kanilang mga karakter, “Yes, sobra! Ako po sobrang nailang ako umakting kasama si Diego. Pero after ng ilang days naman nasanay na, mas madali na, okey naman na.

“Actually may time na hindi po kami nagpapansinan masyado nu’ng mabibigat na yung mga eksena,” sey pa ni Barbie.

Hirit naman ni Diego, “Parang totoong away kasi (yung mga eksena). Siyempre kung ibang co-actress yung kasama ko tapos may confrontation scene kailangan yung huhugutan mo totoo. 

“Eh, kami ni B (tawag niya kay Barbie) since kami talaga, yung mga pinaghuhugutan namin totoo talaga, so iba yung bigat. Mas personal siya,” aniya pa.

Samantala, sa tanong kay Diego kung ano ang nagustuhan niya kay Barbie at talaga namang kitang-kita kung gaano niya kamahal ang GF?

“Consistent ako sa lahat ng interviews ko, sinasabi ko na yung nakita ko kay B, sinabi ko sa sarili ko na if ever I date a girl, gusto ko na I can see her as the mother of my children. Kailangan may ganoon siyang factor.

“And nakita ko yun kay B, really, early pa sa relationship, noong nanliligaw pa lang ako sa kanya, how organized she is as a person when it comes to work.

“She’s maternal. Sobrang caring niya like a mom, yon ang isa sa mga nagustuhan ko sa kanya,” paliwanag pa ng hunk actor.


Inihalintulad pa niya ang dalaga sa nanay niyang si Teresa Loyzaga, “Makulit sila pareho in the sense na alam mo yung nanay, paulit-ulit may ipinapaalaala, ‘Anak, huwag mong gawin ito. Anak, gawin mo yan.’ Sobrang caring nilang dalawa and, yes, nakita ko yun sa kanya, especially with my past.

“I don’t know how much you know about my past or how much the public knows about my past, basta meron akong pinagdaanan noon, and Barbie accepted that and helped me move forward also with my life,” pahayag pa ng binatang anak ni Cesar Montano.

Mapapanood na simula sa Dec. 10 ang “Dulo” via streaming app na Vivamax. Saktung-sakto nga raw ang playdate ng kanilang launching movie as loveteam dahil Dec. 11 naman ang first year anniversary nila as a couple.

Sey mo Barbie sa lovelife hugot ni Diego: I won’t do anything to hurt the person I love…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending