Isko 'naghubad' sa harap ng mga taga-Payatas; pawisang damit ipinamigay sa audience | Bandera

Isko ‘naghubad’ sa harap ng mga taga-Payatas; pawisang damit ipinamigay sa audience

Ervin Santiago |November 21,2021
facebook
share this

Isko ‘naghubad’ sa harap ng mga taga-Payatas; pawisang damit ipinamigay sa audience

Ervin Santiago - November 21, 2021 - 03:01 PM

NAGTILIAN at nagpalakpakan ang mga residente ng Bgy. Payatas sa Quezon City nang biglang maghubad sa kanilang harapan si Manila Mayor Isko Moreno.

Isko Moreno

NAGTILIAN at nagpalakpakan ang mga residente ng Bgy. Payatas sa Quezon City nang biglang maghubad sa kanilang harapan si Manila Mayor Isko Moreno.

Bumisita ang alkalde at Aksyon Demoktratiko presidential aspirant kamakailan sa nasabing barangay para kumustahin ang kundisyon ng mga tagaroon, kabilang na ang mga basurero at junkshop owners.

Malapit sa puso ni Yorme ang mga taga-Payatas dahil karamihan nga sa mga residente roon ay mga garbage collectors. Aniya, nakaka-relate siya sa mga ito dahil isa rin siyang proud basurero noong kabataan niya.

Sa isang video na napanood namin sa YouTube na kuha nga sa pagbisita niya sa Payatas, makikita ang mayor ng Maynila na pawis na pawis sa suot niyang asul na polo.

Kasunod nito, unti-unti nang tinatanggal ng alkalde ang butones ng kanyang pang-itaas na damit hanggang sa tumayo na at tuluyang maghubad.

Dito na nagsigawan ang mga nasa venue ng event na talagang naaliw sa ginawa ni Mayor Isko. Lumapit nang bahagya ang dating aktor sa audience at saka ibinato ang hinubad na polo.

Hindi naman nakita sa video kung sino ang nakasalo sa pawisang damit ni Isko pero maririnig ang host ng pagtitipon na nagsabing napakaswerte raw ng nakakuha ng polo ni Isko.

Agad namang nagpunas ng pawis si Yorme at nagpalit ng asul na damit kung saan nakasulat ang kanyang pangalan.

Sabi naman ng host ng pagtitipon sa nakasalo ng basang polo ni Isko, “Sigurado mamayang gabi hindi ka makakatulog, nandiyan na lahat ng ispiritu ng ating Yorme.

“Ibinigay na lahat sa ‘yo. Isahod mo sa planggana. Sigurado yung katas niyan, parang fertilizer yan!” hirit pa nito habang patuloy na nagtitilian ang crowd.

Kung matatandaan, nagsalita noon si Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang politiko na nagpapakita ng hubad na katawan sa kanyang mga litrato. Wala man siyang binanggit na pangalan, marami ang naniniwala na si Isko ang kanyang pinatatamaan.

“Kayong mga Pilipino, huwag kayong magpaloko diyan sa mga padrama magsalita pati kung…nakita ko nga sa Facebook kanina, lahat nang nakabikini ang g***.

“Tapos may isang picture pa doon na sinisilip niya ‘yung ari niya. Iyan ang gusto ninyo? Ang training, parang call boy. Iyan ang training ng presidente, maghubad at magpa-picture at magsilip, magyabang sa kanilang ari,” sabi pa ni Duterte.

Ito naman ang naging sagot ni Yorme tungkol dito, “Wala akong nakikitang masama sa ginawa ko. Anything na ginawa ko sa showbiz, I’m happy I survived. Pinagdaanan ko yon at marami akong natutunan doon.”

Aniya pa patungkol sa kanyang sexy photos na kuha noong nag-aartista pa siya, “Makikita ninyo yung buong katawan ko except yung harapan ko. Eh, ano naman ngayon?

“Wala naman maitatago pa sa akin. Bulatlat na ang buhay ko. Open book naman yan! Meron akong ups and downs, mga challenges. It was made public. It’s an open book. I’m not ashamed of that,” aniya pa.

Samantala, sa speech ni Yorme, nangako ito sa mga taga-Payatas na kapag nahalal siyang na pangulo ng Pilipinas sa 2022, tututukan niya ang tungkol sa mas advance na waste disposal technologies at ang pagpapadami ng recycling facilities sa bansa.

“Tapos na ang panahon ng mga elitista. Basurero naman ngayon,” ang mariing sabi pa ng alkalde.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending