Ivana may bonggang b-day gift kay Mama Alawi

Ivana may bonggang b-day gift kay Mama Alawi
TUWANG-TUWA ang ina ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi matapos niyang matanggap ang bonggang regalo ng mga anak sa kanya nang mag-celebrate siya ng kaarawan sa Tanauan, Batangas.

Sa latest vlog ni Ivana ay ibinahagi ng aktres ang kanyang plano na pagbibigay ng pera bilang regalo sa ina.

“Ayaw niya ng gamit kasi sayang. Gusto niya bumili ng mga pagkain para sa ibang tao,” paglalahad ni Ivana.

Dagdag pa niya, mahilig raw sa pamimitas ng prutas ang ina kaya naman naisipan niyang tuparin ang hilig ng ina pero may twist dahil imbes na prutas ang pipitasin niya ay mga tseke!

Naghanda ng 10 tseke si Ivana na nagkakahalaga ng P100 thousand kada tseke na may kabuuang P1 million at ikinalat niya sa vineyard ng isang resort sa Batangas.

Nagkunyari pa si Ivana at ang mga kapatid nitong sina Hash at Mona na may challenge sila ng paramihan ng grapes na makukuha pero ang plano talaga nila ay makuha ng ina ang sampung tseke.

Sa una ay akala talaga niya ay grapes ang pipitasin niya ngunit nagulat siya nang makitang may mga tseke na nakasabit.

“Hala! Ano yang nakita ko? Tunay yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Mama Ilawi sabay kuha ng tseke.

“Milyonarya na ako!” tuwang-tuwang saad ng ina ni Ivana matapos bilangin ang kanyang tseke.

Labis ang saya ni Mama Ilawi sa naging regalo ng magkakapatid na Ivana, Mona, at Hash sa kanya.

Bago pa ang sorpresa ni Ivana ay nagbigay na ng regalo sina Hash at Mona sa kanya.

Dahil nga hindi gusto ni Mama Alawi ang mamahaling gamit ay cash na rin ang ibinigay nila sa kanya. Nais rin nila na si Mama Alawi na lang ang mamili ng gusto niya gamit ang P100 thousand na iniregalo nila ngunit panigurado raw na ipangbibili ito ng ina ng mga pagkain na ipamimigay niya sa mga nangangailangan.

Sa kanyang Instagram naman ay binati rin ni Ivana ang ina.

“You are that one person who never stopped believing in me and on my dreams. Thank you for raising us to be strong, kind hearted and giving as your are. You are the best mom. Happy birthday mama. I love you.”

Related Chika:
Ivana walang kalandiang dyowa: Hindi ako naghahanap, hindi rin ako nagmamadali
Ivana: Kung may nilabag akong batas, eh di kasuhan na lang nila pero lalaban ako

Read more...