IBA talaga ang naging dulot ng rerelease “Red” album ni Taylor Swift lalo na ang 10-minute version ng kantang “All Too Well” na siyang nagpabuhay sa galit ng mga supporters ni Taylor sa ex-boyfriend nitong si Jake Gyllenhaal.
Ilang araw na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon ay gumagawa pa rin ng ingay si Taylor at mas lalong titindi ang galit ng netizens at Swifties kay Jake lalo na at nade-decode na nila ang mga pangyayari sa 3 months na relasyon ng dalawa na nangyari noong October 2010.
At kahit isang dekada na ang nakalilipas ay hindi pa rin nakakalimot ang netizens at tila “we-are-coming-for-you” ang peg ng mga ito lalo na sa mahiwagang scarf na naiwan diumano ni Taylor sa bahay ng kapatid ni Jake na hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin.
Dahil nga dito ay nakaisip na naman ng bagong kalokohan ang mga netizens at tila nadamay na nga ang singer na si Jake Zyrus.
May mga memes na kumakalat kung saan makikitang nakasuot ng scarf si Jake at may ilang nagsasabing “Pakibalik na ‘yung scarf kay Taylor, Jake.”
May isa pang Facebook page na “Taylor Nation PH” ang gumamit ng kanyang picture at nilagyan ng kunyaring statemeni ni Jake Zyrus patungkol sa isyu.
“Receiving a lot of backlash associating me with red scarf and ‘all too well’. Ibang Jake po ‘yun hindi ako.”
Agad naman itong pumatok sa iba pang netizens.
Ang nasabing post ay umabot na ng mahigit 80k reactions.
Basta sa kalokohan, magaling talaga ang mga Pinoy.
Wala namang pahayag si Jake patungkol sa kanyang pgkakadamay sa trending topic internationally.
Anyway, may panibagong version na naman na ini-release si Taylor Swift ng “All Too Well (Sad Girl Autumn Version)’ na mapapanood at mapakikinggan sa kanyang YouTube Channel.
Related Chika:
Taylor Swift ‘winasak’ ang puso ng netizens sa ‘Red (Taylor’s Version)’