Paano nga ba dumating sa buhay nina Ryan at Juday ang panganay nilang si Yohan? | Bandera

Paano nga ba dumating sa buhay nina Ryan at Juday ang panganay nilang si Yohan?

Ervin Santiago |November 14,2021
facebook
share this

Paano nga ba dumating sa buhay nina Ryan at Juday ang panganay nilang si Yohan?

Ervin Santiago - November 14, 2021 - 09:24 AM

Ryan Agoncillo, Yohan Agoncillo at Judy Ann Santos

MARAMING Dabarkads ang na-inspire at na-touch sa kuwento ng TV host-actor na si Ryan Agoncillo tungkol sa pagdating ng panganay na anak nila ni Judy Ann Santos na si Yohan sa kanilang buhay.

Last Sunday, Nov. 7, sama-samang ipinagdiwang ng Agoncillo family ang 17th birthday ni Yohan at sa isang episode ng “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga” kamakailan ay ibinahagi ni Ryan ang kuwento kung paano dumating ang dalagita sa buhay nila ni Juday.

Simulang chika ng EB Dabarkads, 26 years old pa lang si Judy Ann nang mag-file ng legal adoption papers para kay Yohan at makalipas ang apat na taon ay naaprubahan ito.

“Gusto sana namin noong umpisa pa lang ako na iyong mag-adopt pero hindi puwede kasi may due process. Ang nangyari kasi kay Yohan, ang una dapat magpa-file ng adoption si Mommy Carol sana (nanay ni Juday).

“Si Juday kasi noong panahon na ‘yon nagdarasal na talaga siya for a baby. Noong panahon na ‘yun (sa pamamagitan ng pag-aampon) barkada pa lang kami. 

“Noong dinala na (si Yohan) noong araw na iyon,  nana nahawakan na ni Juday si Yohan, iyon na ‘mommy, ako na po ang mag-a-adpot.’ Doon siya nag-text sa akin na I’m going to be a mom,” lahad pa ng TV host.

Taong 2009, apat na taon makalipas ang pagpapakasal nina Ryan at Juday, naging legal na ang paggamit ni Yohan ng apelyidong Agoncillo (mula sa Santos).

Samantala, isa raw sa hinding-hindi makakalimutan ni Ryan yung araw nang una siyang tawagin ni Yohan na “daddy”.

“Siguro mga bandang a year and half si Yohan ikinuwento sa akin ni yaya Anabelle na tinawag akong ‘daddy.’ Parang nakita kami sa magazine sa grocery habang nasa counter, ‘Mommy, daddy (ani Yohan habang itinuturo ang litrato ng showbiz couple sa magazine).’ ‘Naku daddy na ‘yung tawag,'” aniya pa.

Sabi pa ng aktor, isang napakalaking blessing para sa kanila ni Juday ang pagdating ni Yohan sa kanilang buhay.

“Grateful kami for you and we always say na this family started because of you. Ikaw ang dahilan kung bakit buong buo ang party of five natin. Happy birthday, I’m proud of you,” ang mensahe ni Ryan kay Yohan.

View this post on Instagram

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo)


Nauna rito, nabanggit nga ni Ryan na bago siya maging legal na tatay ni Yohan, kinuha muna siyang ninong ni Juday nang binyagan ang bata.

“Ako ang experience ko noon, dahil papunta pa lang sa mag-boyfriend girlfriend. Medyo nag-iingat ako kasi ayaw kong mapa-ibig dun sa bata. Mahulog yung loob naman sa isa’t isa tapos hindi pa namin sure,” ani Ryan.

“So ako nu’ng una, nung binyag ni Yohan kinuha ako ni Judy Ann na Ninong. So ninong ako ni Yohan. In fact, hindi ako nag-attend nung binyag kasi hindi ako comfortable. Kasi by the time na malaki na si Yohan nun, ilang months na medyo ano na nagkakainlaban na kami (ni Juday),” pag-amin pa niya.

Aniya, hindi raw talaga si um-attend ng binyag ni Yohan dahil hindi siya kumportable. Natatakot kasi siya na baka masyado siyang ma-attach sa sanggol dahil hindi pa siya sure kung sila na nga ni Juday ang magkakatuluyan.

“klKung pupunta akong Ninong, medyo nag-alangan lang ako na teka ano bang papel ko dito?” katwiran ng TV host 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero agad namang bumawi si Ryan nang mag-celebrate ng 1st birthday si Yohan dahil nararamdaman niyang seryoso na ang relasyon nila ni Juday, “Buo na ‘yung loob ko kasi nag-spend na siya ng time sa bahay namin. Out of town, kasama na namin siya.”

Ryan Agoncillo naging ninong muna kay Yohan bago maging ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending