'It's Showtime' staff nagtaka sa post ni Janno; misunderstanding lang kaya? | Bandera

‘It’s Showtime’ staff nagtaka sa post ni Janno; misunderstanding lang kaya?

Reggee Bonoan - November 13, 2021 - 04:45 PM

It's Showtime staff nagtaka sa post ni Janno; misunderstanding lang kaya?

NAGULUHAN ang taga “It’s Showtime” sa pinost ng singer-actor na si Janno Gibbs sa kanyang Instagram account nu’ng isang araw na logo ng programa ng Kapamilya network.

Ito ay patungkol sa umano’y na-cancel niyang guesting sa “It’s Showtime”.

Umpisa ni Janno, “Was scheduled to guest on Showtime today to promote Mang Jose. But the guesting was cancelled last night (November 11).

“Hanggang ngayon pa ba naman ABS? Nu’ng Sanggano part 1 alam nyo bang si Andrew at Dennis lang ang pinayagan mag guest. Ako bawal?

“Nu’ng pinaglalaban niyo ang prangkisa nyo ay nakisimpatya pa ako. Kala ko’y lumambot na ang puso nyo matapos ang inyong mga pinagdaanan.  Hindi ba dapat ay nagtutulungan tayo sa hirap ng lagay ng industriya ngayon? Masyado namang matindi ang galit nyo sa akin.

“Oo kailangan ko kayo at hindi nyo ako kailangan. Ngunit anu ba naman ang ilang minuto para makapag promote lang ng pelikulang malapit sa puso ko,” pagpapatuloy ni Janno na tila dismayado sa naudlot na “It’s Showtime” guesting.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janno Ilagan Gibbs (@jannolategibbs)

Ayon mismo sa taga “It’s Showtime”, “Nag-inquire palang ‘yung taga-Viva kung puwedeng mag-promote nga for his movie Mang Jose, e, wala pa kaming sagot kaya paano kinansel?

“Hindi naman ganu’n kadaling um-oo kasi ipinapaalam pa ‘yan sa lahat, sa mga bosses lalo na kung hindi naman taga-ABS kaya hindi kaagad masasagot na ‘yung gusto mag-guest kaagad, hindi ganu’n ‘yun kasi ini-schedule pa ‘yun.

“Saka hindi sa digital naman ang inquiry. Hindi naman sa mismong Showtime, kaya nakakapagtaka bakit sinabing kinansel siya kaagad? Wala pa nga sagot, kinansel na?” dagdag pa ng taga- It’s Showtime.

Sinabi namin na tinanggal na ni Janno ang post niya tungkol dito.

“Buti naman kasi sa totoo lang wala pa namang sagot sa inquiry nila tapos sasabihin kinansel namin?” katwiran ng taga-Showtime.

Feeling namin ay misunderstanding lang sa parte ni Janno na akala niya ay ayaw siyang bigyan ng basbas kaya sa sama ng loob niya nakapag-post siya ng ganu’n,

Sabi nga, think first before you click.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Korek, dapat ipinaliwanag mabuti sa kanya hindi ‘yung palalabasing masama ang Showtime. May mga boss kami na mag-a-approve, hindi kami at hindi rin puwedeng agad-agad kasi ini-schedule ‘yan,”pagtatapos ng aming kausap.

Bukas ang BANDERA sa pahayag ni Janno Gibbs o ng taga-Viva patungkol sa isyung ito.

Related Chika:
Janno dismayado sa nakanselang guesting sa ‘It’s Showtime’: Masyado namang matindi galit nyo sa akin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending