KRIS, PACMAN nakipagsiksikan sa MRT sa kasagsagan ng malakas na ulan, baha | Bandera

KRIS, PACMAN nakipagsiksikan sa MRT sa kasagsagan ng malakas na ulan, baha

Alex Brosas - September 12, 2013 - 03:00 AM

BIG deal para sa maraming tao ang pagsakay ni Kris Aquino sa MRT recently. Nag-MRT ride si Kris noong Tuesday matapos siyang matrapik sa EDSA.

Since male-late na siya sa isang event na kanyang pupuntahan ay minabuti na lang niya na sumakay sa nasabing public transpo para makarating nang mas mabilis sa kanyang appointment.

Nagkaroon ng issue sa official fan page ni Kris bigla at merong nang-bash sa TV host, saying na it’s all a publicity gimmick.
“Pakitang tao lang iyan.

Gusto lang niya na gumawa ng isang eksena para mapansin siya. Para sa akin puro pagkukunwari ang ginagawa niya,” pananaray ng isang follower ng Facebook fan site ni Kris.

Echoing the same sentiment, one said, “Kunyari lng yan kung mkkta xa araw2 na sumasakay mniwala na kau..artista yan kaya nia magpanggap scripted yan.bka ksa sa shot ng pilikula nla yan.”

Kung merong hindi nagkagusto at inisip na gimik ang pagsakay ni Kris sa MRT, meron naming sobrang happy to see her ride in a public transportation.

“Wow!..Mam.Kris..wow! Ikaw nah! Talagah!…Im just wondering pano ka makikisiksik sa mrt. inisip ko d ka tutuloy pagnakita mong siksikan. .mali  ako..galing mo madam….kaya like na like kita….mabuhay kah!” sey ng isang fan.

“Eh sa late na siya sa appointment niya… anong masama kung mag mrt siya… dami niyo pang sinasabi… nag mrt lang… publicity agad… atleast di siya nag inarte tulad niyo,” pagtatatanggol naman ng isa.

Bow naman ang isang supporter sa ginawa ni Kris and she said, “For me whatever shes doing its ok she speaks what is on her mind so meaning totoo yung sumakay sya sa train para sa akin si Kris totoong tao hindi lang naintindihan ng iba ang kanyang sincerity pero ako thumbs up ako sayo Kris.”

“Thumbs up…she is a spy of Noynoy…and she’ll her kuya how hirap riding the MRT. Malay ntn bka makatulong si Kris na ma improve and public transport for the poor and rich,” one guy added.

“Para sa mga nega at bashers dyan ang hirap sa inyu yung isang sikat at kilalang tao pag gumawa ng isang ordinaryong bagay ang isang taong hinde ordinary ei pakitang tao kagad ang bukang bibig, pag walang ginawang ordinaryong bagay sasabihin mata pobre at maarte.

“Hay buhay ng mga pinoy na nega at talangka… lets be happy everytime we see someone do out of the extraordinary in there daily lives… it means they are just ordinary people who have extraordinary status,” mataray  na nasambit ng isa pang Kris fan.

Oo nga naman. What’s the big deal ba kung sumakay sa MRT si Kris. As they say, there’s always a first time in our lives, hindi ba?
Bukod kay Kris, napilitan ding sumakay ng MRT si Manny Pacquiao kasama ang ilang pulis (with camera crew) para hindi ma-late sa kanyang commitment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Akala raw ng ilang pasahero “kalokalike” lang ng boxer ang nasa MRT, pero that’s him pala talaga.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending