Paulo inaming nag-date sila ni Janine: Alam ko, itatanggi na naman ako | Bandera

Paulo inaming nag-date sila ni Janine: Alam ko, itatanggi na naman ako

Therese Arceo |November 11,2021
facebook
share this

Paulo inaming nag-date sila ni Janine: Alam ko, itatanggi na naman ako

Therese Arceo - November 11, 2021 - 12:07 PM

Paulo inaming nag-date sila ni Janine: Alam ko, itatanggi na naman ako

KULITAN to the max na naman ang naging ganap nina Janine Gutierrez at Paulo Avelino sa nagdaang virtual media conference para sa season 2 ng kanilang teleseryeng “Marry Me, Marry You”.

Umpisa pa lang ng mediacon ay agad nang bumanat si Paulo kay Janine nang mabanggit ang naging palitan nila ng tweets kamakailan.

“Pinagising ko nga kaya hindi siya late ngayon, e.” bungad ni Paulo kay Janine.

Napailing na lang si Janine sa pang-aasar ni Paulo.

May nagtanong naman kung umabot na ba sa punto kung saan nagkapikunan na ang dalawa lalo na at grabe ang asaran nila online.

“Wala. Gusto ko nga sanang mapikon siya pero hindi ko po ma-achieve,” pabirong reklamo ni Janine.

“Hindi po ako napipikon. Lalo na kung ganyan kaganda yung mamimikon sa iyo, hindi ka talaga mapipikon. Mas matutuwa ka pa nga, e.” bola naman ni Paulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Dahil napag-usapan na rin ang kanilang batuhan ng tweets, may extra effort nga ba kay Paulo ang mga linyahan nila sa social media?

“As long as it feels natural, parang… Ok rin naman. Pero siyempre, may konting effort pagdating kay Janine. Kasi kailangan kong pag-isipan yung mga ibinabalik niyang sagot, e. So, kailangang ma-level up,” sagot ni Paulo.

Nabanggit rin ng dalawa na hindi ito ang unang beses nila na maging magkatrabaho dahil nakapag-shoot na sila noon para sa pelikulang “Ngayon Kaya” ngunit dahil nga sa pandemya ay naudlot ang pagpapalabas nito.

Paglalahad ni Janine, noong ginagawa pa raw nila ni Paulo ang pelikula ay hindi pa masyadong “bully” ang aktor sa kanya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Paulo Avelino (@pauavelino)

“Noong ginawa namin yung pelikula, hindi pa masyadong bully si Paulo. Pero dito sa show, talagang lumabas yung tunay niyang pagkatao. Charot!” natatawang saad ni Janine.

Depensa naman ni Paulo, “Hindi pambu-bully yun. Pagpapa-cute yun. Na tine-take lang niya in another way. (natawa) Joke!”

Pero may point kaya na kinilig o kinikilig si Janine sa mga hirit or scenes nila ni Paulo?

“Parang may galit na. Charot. I was just kidding,” sey ni Janine.

Aniya super happy raw siya dahil noon raw ay hiniling niya na sana ay magkaroon sila ni Paulo ng teleserye.

“Ahhm, I am super-happy talaga na… sinabi ko kay Paulo na nagpapasalamat ako na he did this show with me. Kasi, talagang winish ko ito before pa noong ginawa namin yung pelikula.

“Na niloloko ko siya na sana, makapagteleserye kami eventually and I’m so happy it happened. So… thank you to Pau. I’m just really grateful that we were able to do this together,” pagpapatuloy ni Janine.

Dagdag pa ni Janine, natsa-challenge rin siya na ibigay ang kanyang best sa pakikipag-trabaho kay Paulo.

“Bata pa lang ako, pinapanood ko na si Pau. So, siyempre there’s this pressure na kailangang masabayan mo siya.”

“So, sinusubaybayan mo ako nung bata ka pa lang. So, may gusto ka sa akin nung bata ka pa lang?” singit naman ni Paulo.

“Pag sinusubaybayan, may gusto agad?!” depensa naman ni Janine.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE (@janinegutierrez)

Pero kung nagkataon kayang single silang dalawa, may tsansa kaya na maging sila rin in real life?

“Ako, no questions asked,” pag-amin ni Paulo.

“Alam ko, itatanggi na naman ako ni Janine. Lumabas na kami dati, hindi lang… Kung mangyayari ngayon, kung ngayon ang pagkakataon na ito na single siya and single din ako, e, di… Ok,” pasabog ni Paulo.

Agad namang napa-react si Janine sa sinabi ng aktor.

“Excuse me! Never ko dineny. Si Pau yung wala namang sinasabi.”

Paglilinaw ni Paulo, “Hindi! Kasi, sinabi ko, nag-date kami ni Janine dati, tapos sabi niya, ‘Hindi ah! Nag-hang out lang tayo!’ So, parang nasaktan ako. Parang hang-out lang pala yung dalawang beses tayong lumabas?!”

“Hoy! Excuse me! Ikaw kaya ang nagsabi na hang-out!” depensang muli ni Janine.

“Uy! Never kong sasabihin yun! Siyempre, proud naman ako sa ‘yo kahit papa’no,” saad ni Paulo.

“Hoy! Kahit papa’no lang? Grabe! Grabe! Hiyang-hiya naman ako sa ‘yo!” tumatawang sabi ni Janine.

“Joke lang!” pagbawi naman ni Paulo.

So ang date para kay Paulo ay HOHOL (hangout hangout lang) para kay Janine?

“Oh, my God! Promise, si Pau ang nagsabi nun!” saad ni Janine na napataas pa ng kamay.

“Yun ang sinabi niya. Dineny niya ako, so, parang medyo nasaktan ako,” giit ni Paulo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kailangan ko ng pruweba,” sabi na lang ni Janine na tila sumusuko na sa topic.

Anyway, magsisimula na ang season 2 ng “Marry Me, Marry You” sa Lunes, Nobyembre 15 sa mas pinaagang timeslot na 8:40 PM na mapapanood sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live.

Mukhang mahaba-haba pa ang tatahakin daan at marami pang problemang haharapin sina Camille at Andrei para sa kanilang “forever” lalo na’t desidido si Cedric na gawin ang lahat maagaw lang si Camille sa bestfriend na si Andrei.

Mababalikan naman ng madlang pipol ang unang season sa “Marry Me, Marry You: Season 1 Spotlight” sa Nobyembre 12, Biyernes ng 8:00 p.m. sa iWantTFC at WeTV iFlix, at sa Nobyembre 14, Linggo ng 5:00 p.m. sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment.

Related Chika:
Paulo ibinuking si Janine, iyak nang iyak nang magkaproblema sa paglipat sa ABS-CBN
Paulo sa muling pagsabak sa lock-in taping: Pinakamahirap na part yung naho-homesick ka

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending