Matapos dedmahin, Palasyo tuliro kay Misuari
IT was a security crisis just waiting to unfold. All the signs leading to Monday’s bloody encounter between combined government forces and armed members of theMoro National Liberation Front (MNLF) were visible, expressed, articulated, overtly I must stress.
MNLF’s Nur Misuari did declare his intention and that of the MNLF in declaring independence of Mindanao, at least the Southern part of Mindanao.
What happened then?
Nobody paid attention.
“Wala nang magagawa yang si Misuari, wala ng puwersa yan.” That was the quick and almost generic response. A response which was not based on an intelligence information from the ground.
Ano ba ang eksaktong sinabi ni Misuari mahigit sa isang buwan na ang nakaraan? Alam ito ng Malakanyang, nabalita pa nga ito. Tiyak din may transcript pa sila ng kung ano ang sinabi ni Misuari. As usual, natabunan na naman ang transcript na yan ng mga gabundok na dokumento ng Palasyo.
Eto ang sabi ni Misuari: “As commander in chief of the Bangsamoro Forces, I hereby order all avaible persons to surround and secure all the military, police and all other installations, airports, seaports and other vital government and private institution under the Philippine Colonial Government to prevent them from making any mischief on our land. All installations under the control of the PhIlippine Colonial Government , I said, whether civilian or uniform are required to cooperate in a peaceful manner.
Every single installation already surrounded by our forces shall remain under such position indefinitely until orders are given to lift their siege or they are compelled to cooperate unconditionally.”
Nang tawagin ni Misuari ang sarili niya na “Commander in Chief” doon pa lang ay malinaw na may plano. Pero paano ba ito tiningnan ng o sinuri ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga opisyal nito?
May mga opisyal sa pamahalaan ngayon na dating kasama ni Misuari sa MNLF. Kung kapakanan ng Mindanao ang nasa kanilang puso, tama ang pagpapayo at pagtaya na kanilang ibibigay sa pangulo, at sasabihin na seryoso ang banta ni Misuari.
Maliban na lamang kung mayroon talagang puwersa sa loob o sa labas ng pamahalaan na nais ng kaguluhang nangyayari ngayon sa Zamboanga.
Ayoko sana itong isipin pero mananatili ang katotohanan na posibleng mangyari ito.
Maaaring ganon nga ang layunin.
On air we interviewed Atty. Emmanuel Fontanilla at pinaninindigan niyang sila raw ay nasa defensive position ngunit sa kabila nito ay ang pag-amin din sa panig niya na “embedded” na ang kanilang puwersa sa mga matataong lugar sa Zamboanga bago pa ang naganap na engkuwentro ng kanilang puwersa sa pamahalaan.
On air he insisted that only the mobilization or the reactivation of the Ceasefire Committee headed by Indonesia can help pacify the escalating tension in Zamboanga City.
Off the air, I called him and he said, Misuari said, he will insist on the intervention of no less than the United Nations.
Planado ito. Ang tanong ay kung anong plano ng gobyerno sa panibagong krisis?
Kung mayroong nakaaalam na mangyayari ito, tiyak na tiyak ako, walang iba kundi ang Moro Islamic Liberation Front o ang MILF. HIndi dahil kasabwat sila kundi alam nila na hindi tatanggapin ng mga kapwa nila Bangsamoro ang isa pang panibagong kasunduang pangkapayapaan na sa kanila naman inaalok ngayon ng pamahalaan. There will never be a union of the two agreements, the signed agreement and the still pending.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.