Promise ni Seth kay Andrea: Wag kang matakot, nandito lang ako hindi kita pababayaan | Bandera

Promise ni Seth kay Andrea: Wag kang matakot, nandito lang ako hindi kita pababayaan

Ervin Santiago - November 08, 2021 - 11:27 AM

Seth Fedelin at Andrea Brillantes

PANGARAP ng Kapamilya young actor na si Seth Fedelin na magtagumpay at marating din ng tambalan nila ni Andrea Brillantes ang kinaroroonan ngayon ng phenomenal loveteam na KathNiel.

Alam ni Seth na hindi magiging madali ang pagtupad sa ultimate dream niyang ito pero handang-handa na raw siyang harapin ang lahat ng challenges na darating sa career nila ni Andrea.

Ayon sa young actor, “Ako ang plano ko talaga kasi si Andrea kapag nakilala siya sasabihin, ‘Ah si Andrea yung nasa Annalisa yan.’ Eh ako pag ako tinanong mo sa tao, ‘Ah yung ka-partner ni Andrea si Seth.’ 

“So sa ngayon, gusto ko marinig na kunwari kapag nagtanong ako sa tao yung iba naman sabihin nila. So gusto ko na may patunayan sa sarili ko. Siyempre unang una sa sarili ko and then sa mga taong nandiyan na naniniwala sa akin. 

“Gusto ko mapatunayan kay Andrea na sasabay ako sa kanya. Yun yung mas priority ko,” pahayag ni Seth na nagmarka rin ang akting sa Kapamilya drama series na “Huwag Kang Mangamba.”

“Sinasabi rin niya sa akin na magbuo ako ng sarili ko, magbuo ka ng sarili kong craft. At yun yung ginagawa ko ngayon. Doon ako nag-fo-focus. 

“Minsan pag wala akong ginagawa nag-mo-movie marathon ako mag-isa and then kung anu-ano ang maiisip ko, ganyan-ganyan. So gusto ko siyang sabayan and gusto ko siyang sumikat. 

“Parang KathNiel, gusto kong (marating yung na-accomplish nila) sa sarili naming pamamaraan,” sey pa ng binata sa virtual mediacon para sa finale week ng “Huwag Kang Mangamba” na magtatapos na ngayong Nov. 12 sa Kapamilya Channel.

https://bandera.inquirer.net/280064/seth-fedelin-may-promise-sa-madlang-pipol-nagse-share-na-ng-secrets-kay-andrea
Sey pa niya tungkol sa loveteam nila ni Andrea, “Ang pinakamaipagmamalaki ko sa samahan namin, nagmi-meeting kami niyan sa mga gagawin namin, sa mga plano namin, sa mga anong ipapakita, anong hakbang namin next.

“Halimbawa kapag natapos na ang Huwag Kang Mangamba ano nang gagawin namin, dapat may bago tayo, hindi lagi tayong nandito. So nag-iisip kami. Minsan kapag nag-uusap kami dapat ganito, dapat ganyan. So teamwork kami. Talagang kakampi ko siya, kakampi niya ako,” aniya pa.

Natanong din si Seth kung ano naman ang mga qualities ni Andrea na gustung-gusto niya, “Gusto ko yung pagiging anak niya sa magulang niya. Kasi nabigyan niya ng bahay, bawat kuwarto may aircon yung mga kapatid niya.

“Ngayon lang yun pero sa edad niyang yan malaki na yun. At siyempre sa pagtatrabaho niya kasi minsan tao lang din ako na napapagod din ako sa work, siya yung pumipitik sa akin minsan na, ‘Oy, trabaho ka.’ So, hindi lang basta iniisip namin yung career naming dalawang magkasama kundi iniisip niya rin yung career ko individually.

“Siya minsan nagre-remind sa akin na sa Instagram na mag-post. Siya yung nagpapaalala sa akin at tinutulungan niya akong matuto sa mga bagay-bagay na hindi ko alam. Dahil ako galing ako sa ganitong buhay lang tapos biglang tumawid sa ganito. 

“So yung mga ginagawa ko ngayon ay hindi ko nakasanayan gawin noon. So siya yung tumutulong sa akin kung paano gawin ang mga bagay-bagay so thank you sa kanya,” esplika ni Seth.

Sa huli, nagbigay din siya ng mensahe para kay Andrea, “Huwag kang mangamba kasi lagi kong sinasabi sa ‘yo na bumaliktad man ang mundo, lahat ng tao sa paligid mo bumaliktad sa ‘yo and then nalungkot ka, nandito ako Ali (tawagan nila ng aktres).

“Nandito ako puwede mong ilabas sa akin ang sama ng loob mo. Maaasahan mo ako. Hindi kita pababayaan at hindi kita hahayaan na ma-down. Hangga’t maaari kung ano yung kaya kong ibigay sa ‘yo, oras man, effort man, ibibigay ko para sa ‘yo kaya huwag ka matakot. Nandito ako. Nandito si Seth, si Yansi, si Tisoy, si Kano, nandito ako,” promise pa ng binata sa kanyang ka-loveteam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/280113/andrea-nanghinayang-na-hindi-inimbita-si-seth-sa-burol-ng-kanyang-lolo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending