Lolit madalas mag-isip ng ‘morbid things’; nagpasalamat kay Bong Revilla

LATELY ay panay mga morbid things ang pumapasok sa isipan ni Manay Lolit Solis.

Lolit Solis

LATELY ay panay mga morbid things ang pumapasok sa isipan ni Manay Lolit Solis.

Marahil ay isa ito sa mga naging epekto sa kanya ng nakakahawang sakit na COVID-18 dahil personally raw ay na-witness niya kung gaano kabilis kumutil ng buhay ang nasabing sakit.

“Iyon alam mo ang danger ng COVID pero hindi mo feel na ganuon ang impact nito. Kausap mo ngayon, the next day wala na iyon tao.

“Dahil sa experience na iyon, nakita ko how helpless you are pag walang puwede gumalaw sa pamilya nyo dahil naka-quarantine,” saad ni Manay Lolit.

Hindi rin maiwasan ni Manay Lolit ang mag-overthink sapagkat nasa ibang bansa ang kanyang mga anak at malayo raw sa kanyang tinitirhan ang kanyang mga kamag-anak.

“Iyon patay ka na, pero parang abandoned ka. So morbid. So scary. Kainis dahil next month December na, pero heto at iyon naglalaro sa utak ko.

“Bigla parang tutal dalawang bagay lang ang talagang sure ka, iyon isilang ka ay mamatay. Dapat talaga na pinaghahandaan mo na lahat.

“At isa pang na-discover ko, kahit meron ka ng sariling museleo, ang dami pa ring papers na na dapat ihanda bago ka makapagpalibing ng ashes o coffin. Sino gagawa? How sad talaga. Kaya nga siguro nakaramdam ako ng emptiness,” pagpapatuloy ni Manay Lolit.

Sa isa naman niyang post ay kamatayan pa rin ang naging topic ni Manag Lolit. Dito rin niya nabanggit si Bong Revilla.

Inalala kasi ni Manay Lolit ang ginawa ni Bong Revilla kay Isah Red. Aniya, si Bong raw at ang asawa nitong si Lani ang nag-asikaso ng mga kinakailangan nang mawala si Isah Red dahil hindi agad nakauwi ang kapatid nito mula sa ibang bansa.

“Naisip ko, kung nagawa ito ni Bong kay Isah, mas lalo niyang gagawin para sa akin. Iyon gesture na iyon ni Bong Revilla kahit ano pa ang sabihin ng mga tao is very commendable.

“Hindi na iyon pagod sa pag aasikaso, iyon oras, iyon lang ibinigay niyang effort, grabe na siguro para hindi ko siya mahalin. Puwedeng meron siyang flaws, pagkukulang, mga bagay na nagawa na puwede mo ipintas sa kanya, pero one thing is sure, isa siyang mabuting tao,” sey ni Manay Lolit.

Kaya naman panatag si Manay Lolit na kung may mangyari man sa kanya ay hindi siya pababayaan ni Bong.

“Iyon puso niya talagang malambot pagdating sa pagtulong. Ngayon hindi na ako masyadong takot, dahil tiyak ko pag may nangyari sa akin, may isang Bong Revilla na mag aasikaso, magbibigay oras habang hindi maayos ang kinalalagyan ko. Ngayon pa lang, Salamat , Thank You Bong. Alam ko, nandiyan ka lang. Ang suwerte ko. Thanks.”

 

Related Chika:

Lolit binanatan na naman ng bashers matapos magkomento sa kasalang Angel-Neil

Lolit iniimbitahan si Kylie sa kanilang programa; Naniniwalang mali si Aljur sa mga salitang binitiwan niya

Lolit ipinagtanggol si Yorme laban sa mga patutsada ni Duterte

Read more...