Cindy Obeñita naiuwi ang 2nd Miss Intercontinental crown ng Pilipinas
NASUNGKIT ng pambato ng Pilipinas na si Cinderella Faye ‘Cindy’ Obeñita ang pangalawang korona ng bansa sa Miss Intercontinental 2021 pageant na ginanap sa Egypt nitong Biyernes (madaling araw ng Sabado sa Pilipinas).
Kinabog ni Cindy ang iba pang 71 kandidata upang maiuwi ang koronang unang napanalunan ng Pinay beauty queen na si Karen Gallman noong Enero 2019 sa Pilipinas.
Magical moment ito para sa 25-year-old Cagayan de Oro beauty dahil bago pumatak ang alas-12 ng gabi siya kinoronahan sa lungsod ng Sharm el-Sheikh. Déjà vu dahil ganitong eksena rin ang kanyang naranasan nang mahirang na Binibining Pilipinas Intercontinental noong Hulyo.
Katulad nang sumabak sa national pageant, nangain muli ng mikropono si Cinderella sa question and answer portion kung saan tinanong siya kung mahalaga ba ang pagsasalita ng Ingles bilang ambassadress ng Miss Intercontinental.
“I don’t think that speaking a specific language is very important here in Miss Intercontinental or any pageant at all. As long as that woman is a woman of power and grace, commitment and intelligence, no matter what language she speaks and that woman is actually a woman of style and substance then she can win any pageant or any endeavor that she is into.” sagot ni Cindy Obeñita.
Patuloy niya, marami siyang natutuhan sa mismong journey nito sa Egypt at naniniwalang makapagbibigay rin siya ng pag-asa sa ibang tao bilang Miss Intercontinental.
“I have learned here actually in Miss Intercontinental that a woman should be or should possess power of substance. And I believe I am that woman because that is the essence of a modern-day Miss Intercontinental, that we are living in a world wherein it’s very hard to survive.
And as Miss Intercontinental, I would like to be that source of hope, that source of inspiration on the true power of beauty and that is felt on the kindness of our hearts and definitely on the sincerity of our loving actions.”
Trending ulit si Cindy sa kanyang pagkapanalo na talagang pinabilib ang mga Filipino netizens na nagpuyat pa dahil madaling-araw ito mapapanood nang live.
Pinuri siya dahil mula sa pagiging wildcard candidate sa Binibining Pilipinas ay nagsunod-sunod ang kanyang pagkakapanalo ng korona.
“From People’s Choice Award to Ms. Intercontinental Philippines to Ms Intercontinental 2021. Ms Cinderella Faye Obenita a woman with substance” sey ng isang netizen.
“OH PAK NAG – ESSAY ANG ATIH MONG CINDY! KUMAIN NG MIC SA STAGE! (laughing emoji)”
“The moment I heard Cindy Obeñita answer in BBP, I just knew she was meant for greater things in the pageant world. Congrats to the new #MissIntercontinental2021.”
Talagang fan favorite si Cindy dahil bukod sa kanyang wit ay kumakabog na ito sa kanyang mga pasabog photo shoots sa kanyang Instagram account tulad ng ipinost namin sa aming Facebook at Tiktok page na kanyang ‘Darna’ at ‘Diwata-inspired’ costumes.
https://www.facebook.com/banderaphl/posts/4558168514277010
Nag-congratulate din ang Binibining Pilipinas Charity, Inc. at si Mrs. Stella Marquez Araneta sa kanilang official Facebook page sa natamong karangalan ni Cindy.
“Stella Marquez Araneta and BPCI congratulate [Obeñita] for bringing home the second Miss Intercontinental crown to the Philippines,” sa statement ng organization.
“From a Binibini who won the hearts of many Filipino fans, she impressed the whole world with her grace and charm all throughout her pageant performance in Egypt,”
https://www.facebook.com/bbpilipinasofficial/posts/4635435103180038
Nag-iisang Asian candidate sa winners’ circle si Cindy Obeñita, the lone Asian in the winners’ circle. Itinanghal din siyang continental queen of Asia and Oceania at natanggap ang “popular vote” at best in gala dress awards.
Itinanghal namang first runner-up ang Best in Swimsuit na si Paulina Uceda ng Mexico habang second runner-up si Romy Simpkins ng United Kingdom.
Si Kelly-Mary Anette ng Seychelles ang nagwaging third runner-up, habang ang pambato ng Canada na si Kaitlyn Li ang fourth. Kinompleto ni Maria Paula Castillo ng Colombia ang Top 6 bilang fifth runner-up.
Related Chika:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.