LJ kinumusta ni Paulo Avelino; willing pumunta sa Baguio with someone ‘as a friend’

LJ kinumusta ni Paulo Avelino; willing pumunta sa Baguio with someone 'as a friend'

AMINADO si LJ Reyes na kinontak siya ng dating karelasyon na si Paulo Avelino matapos ang kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating partner na si Paolo Contis.

Ito ang ikinuwento ng aktres sa kanyang exclusive interview kay Tito Boy Abunda nang magpunta ang veteran TV host sa New York.

Aniya, may communication sila at okay sila ng ama ng panganay niyang si Aki pero hindi sila ‘yung tipo ng close friends.

“We’re not friends [tulad ng] friends na parang every day nag-uusap, but he’s been there for Aki naman.

“He’s been in touch, siya ‘yung nag-message sa akin. Siya ang nag-send sa akin ng message. Nagsabi siya na parang ‘I know you’re going through a very difficult time.’

“Siyempre ang iniisip niya rin is si Aki, and if anything daw that I need when it comes to Aki, I can always tell him,” paglalahad ni LJ.

Nang tanungin naman siya ni Tito Boy kung ready siyang pumunta sa Baguio with someone as friends, willing nga ba si LJ?

Natawa naman muna si LJ bago sumagot.

“Yes, Tito Boy. Why not?” nakangiting sagot nito.

“I’m proud of Baguio as a Filipino. Maraming pwedeng puntahan doon. Maraming pwedeng kainan, so yes,” dagdag pa nito.

Chika pa ni LJ, mula sa Baguio si Paulo Avelino.

“Actually po, Paulo Avelino is from Baguio. So may family doon si Aki. Pupunta talaga kami doon.

Biro pa ni Tito Boy, pwede namang pumunta sila ni Paulo Avelino sa Baguio kasama si Aki.

“Yes, as friends,” tumatawang sey ni LJ.


Nagkakilala sina LJ Reyes at Paulo Avelino sa GMA reality show na “Starstruck”. Naghiwalay ang dalawa noong 2013 matapos ang kanilang apat na taong relasyon. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng isang anak na si Ako na ngayon ay 11 years old na.

Related Chika:
Paulo walang ibang hiling kundi ang makasama ang anak kay LJ: And be with you growing up…
LJ wala nang balak balikan si Paolo: Ayoko na pong makausap siya kasi natatakot ako…

Read more...