Andrea may paalala sa mga Gen Z; Kyle nagpaalam kay Francine bago pumasok sa PBB

Andrea may paalala sa mga Gen Z; Kyle nagpaalam kay Francine bago pumasok sa PBB

Seth Dedelin, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri

SA #HKMFinale mediacon via zoom ay wala ang ka-loveteam ni Francine Diaz na si Kylie Echarri dahil nasa loob ito ng “Pinoy Big Brother Kumunity Season 10” bilang isa sa mga celenbrity housemates at nagsabi naman daw ito sa dalaga nung huling araw ng taping nila ng drama series nilang “Huwag Kang Mangamba”.

“Doon ko lang po nalaman at doon din lang kami nakapag ba-bye,” saad ng dalaga na aminadong minsan lang niya napapanood si Kyle sa PBB.

Sa tanong kung ano ang natutunan ni Francine sa karakter niya sa HKM,

“Ang talagang natutunan ko po sa karakter ko sa “Huwag Kang Mangamba” na masi-share ko sa mga nanonood lalo na sa mga kabataan, naka-relate ako kay Joy na kapag problemado ka, ang daming nangyayari sa buhay mo tapos dasal ka ng dasal, feeling mo hindi ka Niya naririnig (kaya) merong time na bumabali ang faith mo pero ang natutunan ko po doon, dapat mayroon kang tiwala kay Bro (Diyos).

“Dapat may tiwala ka sa kanya na hindi ka Niya pababayaan, dapat hindi ka nagdadalawang isip na ‘naririnig ba ako nito? Parang hindi naman, hindi niya ako sinasagot, eh.’

“Ang natutunan ko is all about the right time hindi mo dapat minamadali ‘yung mga pangyayari sa buhay mo. Hayaan mo lang magtiwala ka kung ano ang plano ni Bro sa iyo at tatagan mo ang faith mo at paniniwala mo sa kanya,” mahabang paliwanag ni Francine.

Ang sagot naman ni Andrea Brillantes.

“Ang na-observe ko po sa generation namin bilang kapwa Gen Z na napansin ko na less religious ‘yung generation namin (ngayon).

“I think it’s because instead of praying and naglalabas ng sama ng loob kay Lord, they just tweet about it, they always post about it. They’re always online which is of course another way of coping.

“Pero iba pa rin talaga ang natutunan ko sa Huwag Kang Mangamba, iba pa rin talaga kapag sa Diyos mo nilalabas lahat,” saad ng dalaga.

Napansin din daw niya na karamihan din niya sa generation nila ngayon ay mas aktibo ang lahat sa cellphone na mas pinaniniwalaan pa ang lahat ng nababasa at nakikita sa social media,” saad ni Andrea.

“Instead sa mga nakasulat sa Bible, instead na ang binabasa ay mga nasa Bible (salita ng Diyos) ay mas binabasa puro mga tsismis, FB kaya medyo maraming problemado. I know maraming mao-offend I’m sorry but it’s the truth.

“Kaya sobra kaming natamaan kasi isa po ang Gen Z sa pinaka-affected sa (COVID 19) pandemic. Kaya natutunan ko talaga rin sa Huwag Kang Mangamba ay lahat temporary, social media temporary.

“Social media it can be full of lies, puwede ring source of truth, source ng communication pero iba talaga ang pananampalataya sa Diyos, iba ang FAITH.

“Sana malaki ang naitulong ng Gold Squad lahat kaming representation of Gen Z sa Huwag Kang Mangamba para manumbalik ulit ‘yung faith ng kapwa Gen Z namin kay Lord, kay Bro.

“At sana mas doon tayo tumututok sa Diyos na nagbigay ng buhay sa atin hindi sa wifi kasi mas madami tayong matutunan at mas gagaan ang pakiramdam natin kapag nagdarasal tayo imbes na nagba-bash tayo sa online. Kapwa Gen Z my God!” pagtatapos ni Andrea.

Abangan ang laban ng kabutihan at kasamaan sa huling tatlong linggo ng “Huwag Kang Mangamba” sa Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, WeTV, at Iflix.

Related Chika:
Andrea bait-baitan na sa ‘Huwag Kang Mangamba’, Francine pumayag magkontrabida
Sylvia pahinga muna sa showbiz: Napagod ako nang sobra

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Read more...