Sharon papasok sa ‘Ang Probinsyano’; Maymay sinagot ang ‘toxic’ beauty standards

Sharon papasok sa 'Ang Probinsyano'; Maymay sinagot ang 'toxic' beauty standards

Sharon Cuneta and Maymay Entrata

PAPASOK na ang Megastar na si Sharon Cuneta sa longest running action/drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” at kung walang pagbabago ay sa Nobyembre 9 siya magte-taping for “ASAP” at isusunod ang mediacon.

Pero bago mangyari ito ay kailangan munang dumaan ang lahat ng production staff ng ASAP sa PCR test bilang pagsunot sa health protocol at kung walang magiging aberya ay tuloy ang taping.

Curious kami kung ano ang magiging role ni Sharon sa FPJ’s Ang Probinsyano. Trulili kaya na siya ang tutulong kay Presidente Oscar Hidalgo na base sa umeereng episode ay nagtatago kasama ang dalawang loyal staff ng palasyo na sina Whitney Tyson bilang si Elizabeth at Nonong Ballinan sa karakter na Ambo.

Marubdubang paghahanap ang ginagawa ngayon kay Presidente Oscar ng nagsanib puwersang sina First Lady Lily na si Lorna Tolentino at Richard Gutierrez bilang si Lito Valmoria.

Iba pa ang kampo nina Press secretary Padua na si Tirso Cruzz lll at John Arcilla as Renato Hipolito.

Samantala, kamakailan ay nag-post si Sharon ng larawan niyang malaki na ang ipinayat niya at pinaghandaan niya talaga ang mga eksena niya sa aksyon serye ni Coco Martin.

* * *

May sagot sa toxic na beauty standards si Maymay Entrata sa single niyang “Amakabogera” mula Star Pop.

Ayon kay Maymay na hinirang ng netizens bilang bagong solo star ng P-pop movement, tungkol sa self-empowerment ang bago niyang kanta.

“Lahat ng tao parang may iisang standard ng pagiging maganda depende sa kung ano ang uso o sinasabi ng lipunan. Itong ‘Amakabogera’ kanta tungkol sa pagiging confident sa kung sino ka sa kabila ng matataas na standards ng mundo.”

Paalala rin niya sa mga makikinig nito na ‘wag pagdudahan at ikumpara ang sarili sa iba. “Maganda ka, unique ka, at malakas ka. ‘Wag mo hayaan na agawin ng mga standard nila ang korona mo.”

Isinulat ni Loriebelle Darunday at Elmar Jan Bolano ang kanta na siya ring nag-compose nito kasama si Justin Ian Catalan. Hinihikayat ng “Amakabogera” ang bawat isa na ‘wag matakot maging confident at yakapin ang sarili nilang ganda kahit ano man ang sabihin ng iba. Si Star Pop head Rox Santos ang nagprodyus nito.

Bukod sa nakakaindak na beat at matapang na lyrics, maririnig din sa “Amakabogera” ang galing ni Maymay bilang singer, na nagpapatunay na isang siyang all-rounder na may dynamic na tunog at kakaibang artistry.

Samantala, inilabas na rin ang music video ng “Amakabogera” noong Biyernes (Oktubre 22) na idinirek ni Amiel Kirby Balagtas kung saan makikita si Maymay na rumarampa sa runway, todo ang pagsayaw sa nakakaindak na choreo, suot ang nakakaakit na isang pulang dress, at syempre, may ‘just-woke-up’ look din siya rito na nagpapakitang proud siya sa kanyang natural na ganda. Sa ngayon ay meron na itong higit 500,000 views.

Nito lang Mayo, inilabas niya ang single na “’Di Kawalan,” na nagpapaalala na hindi nakadepende sa iba ang halaga ng isang tao. Meron na itong mahigit 243,000 streams sa Spotify at mahigit 1.3 million music video views.

Related Chika:
Maymay hindi payag na magpakita ng motibo sa taong gusto n’ya: Ayaw kong manligaw kahit hindi ako kagandahan, bahala kayo d’yan
Robi Domingo sinagot ang paratang na ginagamit niya si Maymay

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Read more...