Netizens nabastusan, nandiri sa pinagsasabi ni Brenda Mage kay Eian Rances sa loob ng PBB house Bandera

Netizens nabastusan, nandiri sa pinagsasabi ni Brenda Mage kay Eian Rances sa loob ng PBB house

Ervin Santiago |October 25,2021
share this

Netizens nabastusan, nandiri sa pinagsasabi ni Brenda Mage kay Eian Rances sa loob ng PBB house

Ervin Santiago October 25, 2021 - 01:06 PM

Brenda Mage at Eian Rances

NABASTUSAN at na-turn off ang mga netizens sa “joke” ng komedyanteng si Brenda Mage  habang nakikipag-usap sa kapwa niya housemate sa “Pinoy Big Brother Season 10” na si Eian Rances.

Kalat na ngayon sa social media ang isang video clip na mula umano sa Kumu livestream ng bagong season ng “PBB” kung saan mapapanood ang chikahan nina Brenda at Eian.

Makikita sa video si Brenda na nakahiga sa kama (nakatalikod sa kamera) habang nakasandal naman si Eian sa pader. Sey ng komedyante kay Eian, “Sige na, kahit isang beses lang.”

Napakamot lang sa ulo ang binata habang tumatawa sabay dialogue ng, “Gusto ko yung mukha mo.”
Sunod na tanong ni Brenda kay Eian, “Paano kapag nag-inuman tayo tapos paggising mo, hawak ko na, lasing ka?”

Sabi ng binata kay Brenda habang nagkakamot pa rin ng ulo pero nakangiti, “Huwag naman ganu’n.”

“Paano kapag nalasing tayo? Tuloy o tigil?” ang tanong ni Brenda na sinagot ulit ni Eian ng, “Huwag naman ganu’n.”

Muli namang napaisip si Eian sa huling tanong ni Brenda at nagsabing, “Hawak mo na, anong tuloy o tigil?!” 

Sey ni Brenda sa kanya, “Kaya nga, hawak ko na. Tuloy o tigil?” Na seryoso nang sinagot ni Eian ng, “Huwag kang ganu’n, masama yun kasi… hindi lang sa akin huwag mong gagawin yun.”

“Kaya nga, anong gagawin mo nga?” pangungulit uli ni Brenda. Na sinagot na ni Eian ng, “Hawak mo na, e!”

Humirit uli si Brenda Mage ng, “Kaya nga, hawak ko pa lang naman, e. Tuloy o tigil?” Tatawa-tawa lang si Eian ngunit bakas na sa mukha nito ang pagseseryoso.

“Anong tuloy o tigil? Una sa lahat huwag mong gagawin yung hawakan mo,” sabi uli ni Eian. Na sinundan ni Brenda ng, “Kaya nga, paano nga? Ako, na-carried away.”

Ani Eian sa kanya, “Ah, masisira yung ano natin noon.”

Tanong na naman ni Brenda, “Okey lang. Tuloy o tigil?” Sey naman ni Eian sa kanya na tumatawa na uli, “Tigil. Tigil. Magkakaupakan tayo. Ha-ha!”

Hirit na tugon sa kanya ni Brenda, “Okey lang, nabuhay naman ako nang wala ka.”

Walang binabanggit si Brenda kung ano ang tinutukoy niyang hawak-hawak at kung ano ang itutuloy niya at ititigil pero ayon sa mga reaksyon ng netizens, gets na gets nila na ang private part ng binata ang kanilang pinag-uusapan.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga nakapanood sa nasabing video.

“Wait lang nandidiri ako sa mga pinagsasani ni Brenda Mage towards Eian. What if daw nalasing sila tas pagka gising hinawakan raw ni Brenda nota ni Eian. Tuloy ba raw or tigil. Jusko ka nakakagigil.”

“I like Brenda Mage pero nakakadiri iyong mga tanong niya kay Eian. Kung nakikinig ka Kuya, patawan mo na iyan ng automatic nomination. Unless, tinotolerate mo ang ganong kababoy na usapan sa loob ng bahay mo. Halatang uncomfortable si Eian.”

“No way. Ito yung kinatatakot kong maging joke ni Brenda sa loob ng bahay. Kung mapapansin niyo yung mga na-force evict before, ganito yung dahilan bakit sila na-out. Nakakalungkot. Aliw pa naman ako kay Brenda.”

“My gosh, nakakahiya naman. Wag ganun. Tanga ba talaga siya at naglakas loob na sabihin yon?”

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending