Dingdong, Marian limitado na ang pagpo-post sa socmed tungkol sa 2 anak | Bandera

Dingdong, Marian limitado na ang pagpo-post sa socmed tungkol sa 2 anak

Ervin Santiago |October 25,2021
facebook
share this

Dingdong, Marian limitado na ang pagpo-post sa socmed tungkol sa 2 anak

Ervin Santiago - October 25, 2021 - 09:01 AM

Dingdong Dantes, Marian Rivera, Zia at Ziggy Dantes

MAY usapan na ang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera tungkol sa pagpo-post sa social media ng mga kaganapan sa buhay ng dalawa nilang anak.

Ayon kay Dong, lilimitahan na niya ngayon ang pagbabahagi sa publiko ng mga nangyayari sa mga anak nila ni Yanyan na sina Zia at Sixto Dantes.

“Sabi namin, now that they sort of have this public exposure through our social media platforms, we also have to limit it. 

“Halimbawa, mga spur of the moment, hindi lang parati, pero nandiyan na, e. Hindi mo na matatago ‘yan,” ang pahayag ng award-winning actor nang makipagchikahan sa podcast nina Slater Young at Kryz Uy.

Aniya, once na mag-start nang pumasok si Zia sa school ay baka tumigil na muna sila ni Marian sa pag-post ng anumang kaganapan sa buhay ng kanilang panganay sa socmed.

“Pagdating ng six years old, stop na. Hindi pa rin malayong mangyari ‘yun. It’s a matter of when na lang ‘yun, a matter of time. Kasi nga papasok na talaga sila sa school.

“My daughter she’s five, turning six, so dapat mag-stop na siya ngayon in terms of exposure and activities online. 

“Pero nag-pandemic. Wala pa rin namang school, so I hope pretty soon bumalik na sila kasi nasa big school siya,” paliwanag ng Kapuso star at “Amazing Earth” host.

Dagdag pang sabi ni Dingdong, napagkasunduan na rin nila ni Marian na huwag munang magkaroon ng social media accounts ang kanilang mga anak.

“Ang pinaka-compromise lang namin ay, ‘Sige let’s just make a point not to launch their own social media platforms.’ Dapat wala silang sarili nila because it should be their choice later on whether or not gusto nila magkaroon or hindi.

“And then, siguro saka na kami mag-uusap kapag mas stable na lahat ng bagay,” sey pa ni Dong.
Aniya pa, “Whatever you see now are all from our own pages or our own platforms. At least doon klaro tayo. Kung hanggang saan, siyempre may limitasyon pa rin.”

https://bandera.inquirer.net/291559/dingdong-naka-jackpot-kay-marian-mas-nai-inspire-ako-maging-mabuting-tao-dahil-sa-kanya

* * *

Paskong-pasko na nga sa Kapuso Network dahil ipinalabas na kamakailan sa “All-Out Sundays” ang lyric video ng GMA Christmas Station ID (CSID) 2021 jingle na pinamagatang “Love Together, Hope Together.”

Pagmamahal at pag-asa ang tema nito, “Sa dami ng pagsubok na dumating, lahat ito’y ating nalagpasan sapagkat sama-sama natin itong pinagdaanan. 

“Kaya naman sa muling pagsapit ng Pasko, nakangiti natin itong sasalubungin, at hawak-kamay nating haharapin ang bagong umaga,” lahad ng GMA. 

Muling nagsama ang mahuhusay na Kapuso singers na pinangunahan ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose kasama sina Rita Daniela, Christian Bautista, Maricris Garcia, Aicelle Santos, Anthony Rosaldo, Mark Bautista, Hannah Precillas, Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin, XOXO, Thea Astley, Garrett Bolden, pati na rin sina Arra San Agustin, Faith Da Silva, at Lani Misalucha. 

Nakaka-LSS at catchy nga naman ang bagong Christmas jingle kaya siguradong nasa playlist na ito ng maraming Pinoy ngayong kapaskuhan. 

At siyempre, habang nag-aabang ang maraming fans sa magiging itsura ng Christmas Station ID ng GMA, panoorin muna nila ang lyric video.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286293/dingdong-kay-marian-napakaswerte-ko-na-siya-talaga-ang-naging-asawa-ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending