Maine patuloy na inuulan ng blessing kahit may pandemya; 3 Kapuso star sasabak sa 'TBATS' dating game | Bandera

Maine patuloy na inuulan ng blessing kahit may pandemya; 3 Kapuso star sasabak sa ‘TBATS’ dating game

Ervin Santiago |October 24,2021
facebook
share this

Maine patuloy na inuulan ng blessing kahit may pandemya; 3 Kapuso star sasabak sa ‘TBATS’ dating game

Ervin Santiago - October 24, 2021 - 01:09 PM

Super Tekla, Boobay, Vic Sotto at Maine Mendoza

SA dami ng blessings na dumarating sa kanyang buhay sa gitna ng pandemya, puro pasasalamat na lang ang laman ng dasal ni Maine Mendoza.

Sa kabila nga ng patuloy na banta ng COVID-19 pandemic sa bansa ay walang tigil ang pagdating ng trabaho sa Phenomenal Star kaya tuluy-tuloy lang ang pagtatrabaho niya.

“Lalo na sa panahon ngayon, dahil may pandemic ang dami pong nawawalan ng trabaho talagang lahat tayo dapat magpasalamat sa biyayang dumating sa atin and including na po doon sa mga projects po at opportunities na dumarating sa akin,” ang pahayag ng TV host-actress sa ginanap na online media conference para sa third anniversary celebration ng “Daddy’s Gurl” recently.

Patuloy pa ng girlfriend ni Arjo Atayde, “Para sa akin kasi parang sa dami ng walang work ngayon, we just have to make the most of the opportunities that we are given. 

“So kahit minsan, physically tiring and it can get really taxing po talaga, iisipin mo na lang na ang daming taong walang trabaho.

“Ang daming taong naghihirap ngayon and sana mas pahalagahan ko na lang kung ano ‘yung meron ako, imbes na isipin kung gaano ba nakakapagod physically or mentally ‘yung trabaho ko ngayon,” diin pa ng “Eat Bulaga” Dabarkads.

Maine: Parang lahat po ng ginagawa ko sa buhay ko, kinakabahan ako!

* * *

Tiyak na marami na namang bonggang paandar at pasabog ang episode tonight ng “The Boobay and Tekla Show”  ngayong Linggo (October 24) na magbibigay ng giod vibes sa weekend night n’yo!

Tatlong young Kapuso actress ang magpapatalbugan para makuha ang puso ng isang “Mystery Hunk” sa nakaaaliw na dating game na “Pusuan Na ‘Yan!”

Ito ay sina Crystal Paras, Pamela Prinster, at Ella Cristofani na sasabak sa iba’t ibang challenges para ma-impress ang “hunky searcher.”

Handa na ba kayo malaman kung sino nga ba itong “Mystery Hunk?” Huwag palampasin ang big reveal na ito ngayong Sunday ng gabi.

Bukod dito, masusubukan din ang talento sa komedya ng tatlong “StarStruck” season 7 alumni dahil sasagot sila ng mga nakakakilig at naughty na tanong.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makaka-join din nina Crystal, Ella, at Pamela sina TBATS host Boobay, Tekla, at Mema Squad na binubuo nina Pepita Curtis, Kitkat, Ian Red, at Buboy Villar sa dalawang rounds ng comedy segment na “Don’t English Me.”

Tuloy-tuloy lang ang saya at laugh trip kahit may krisis! Abangan ang bagong episode ng “The Boobay and Tekla Show” ngayong Linggo, 10:30 p.m. sa GMA pagkatapos ng “Kapuso Mo, Jessica Soho.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending