Ano ang ipinakain ng viral couple sa kanilang bisita matapos ma-scam ng wedding coordinator? | Bandera

Ano ang ipinakain ng viral couple sa kanilang bisita matapos ma-scam ng wedding coordinator?

Ervin Santiago - October 24, 2021 - 08:29 AM

Chito Miranda, Neri Naig, Cherry Pie at Arniel Satingasin

ABOT-LANGIT ang pasalamat ng viral couple na sina Cherry Pie at Arniel Satingasin mula sa Cebu sa mag-asawang Neri Naig at Chito Miranda.

Sina Cherry Pie at Arniel ang mga nabiktima ng kanilang wedding coordinator sa mismong araw ng kanilang kasal nitong nagdaang Sept. 22, 2021.

Mabilis na kumalat sa social media ang video ni Cherry Pie pagkatapos ng kasal nila ni Arniel habang umiiyak at nakaupo sa isang sulok suot pa ang kanyang wedding gown. 

Nanlumo kasi ang bride nang nalamang hindi pala binayaran ng wedding coordinator ang catering at venue ng kanilang reception kaya hindi nakakain ang kanilang mga bisita.

Kamakailan, ibinahagi ng bagong kasal sa “Stories of Hope” ng GMA 7 kung gaano kasakit para sa kanila ang ginawa ng kanilang wedding coordinator.

Talaga raw hiyang-hiya sila sa mga bisita dahil wala nga silang inabutan na reception matapos ang kanilang kasal at hindi nila napakain nang maayos ang mga ito.

“Napaiyak na lang ako. Sobrang nakakahiya sa mga bisita kasi ang dami nila tapos gutom na gutom galing sa simbahan tapos walang maabutan na reception,” ang pahayag ni Cherry sa nasabing panayam.
Kasunod nito, niyaya na lamang daw siya ng asawa na umuwi at sa bahay na lamang nila gawin ang reception at salu-salo.

“Noong nakita ko siyang umiiyak, pinuntahan ko siya tsaka sinabihan ko na lang na umuwi na lang tayo tsaka wala naman tayong magawa kasi nangyari na. 

“Umuwi na kami sa bahay at saka bumili na lang kami ng litson manok para ipakain sa mga kasamahan namin,” kuwento naman ni Arniel.

https://bandera.inquirer.net/293937/neri-tinupad-na-ang-pangakong-wedding-reception-sa-na-scam-na-bagong-kasal-may-pa-pocket-money-pa

Tuwang-tuwa naman ang bagong kasal nang malamang napanood nina Neri Naig at Chito Miranda ang nangyari sa kanila. Ipinahanap daw talaga sila ng celebrity couple para sagutin ang kanilang wedding reception.

Hindi raw nila inaasahan na pag-aaksayan sila ng panahon at pera nina Neri at Chito, “Masaya na talaga kasi hindi namin inakala na mayroon palang tumulong sa amin.

“Pagkatapos sa hotel, dumiretso kami sa reception. Masaya talaga na kahit paano nawala na yung ano namin sa nangyari,” pahayag ni Arniel.

Nauna rito, ibinalita rin ni Neri na tinupad nga niya ang kanyang promise sa na-scam ng mag-asawa na siya ang sasagot sa kanilang reception at ito’y naganap nga sa pag-aari nilang Korean barbeque restaurant.

Ani Neri sa kanyang Instagram post, “Yehaaaay! Nakausap na ng business partner ko sila Cherry Pie at nakapag meeting na sila sa @jejusamgyupsal kanina para ayusin ang naudlot nilang reception.

“Super excited na ako para sa mag-asawa esp kay Cherry Pie. Deserve ng lahat ng kababaihan na maging mala prinsesa sa kanyang kasal. Minsan lang ‘to!

“Syempre ang pinakamahalaga yung nagmamahalan sila ng kanyang kabiyak. Simple man ang reception o magarbo, ang importante ay kung ano ang laman ng kanilang mga puso,” mensahe ng asawa ni Chito.

Aniya pa, “Thank you, partner @jonahcbautistasa pag asikaso lahat dyan sa Cebu. Happy na lahat dahil happy na si Cherry Pie! Excited na ako for them!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/293845/neri-miranda-excited-sa-wedding-reception-nina-cherry-at-arniel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending