Jayke Joson hinamon si Annabelle Rama na maglabas ng ebidensiya: Or I will sue them in court

Jayke Joson hinamon si Annabelle Rama na maglabas ng ebidensiya: Or I will sue them in court

HINAMON ni Frontliners party-list nominee Jayke Joson ang nanay nina Ruffa at Richard Gutierrez na si Annabelle Rama na maglabas ng ebidensiya sa mga malilisyosong akusasyon laban sa kanya.
Kung hindi raw mapatutunayan ng talent manager ang mga pinagsasabi nito ay mapipilitan siyang magsampa ng demanda para linisin ang kanyang pangalan.

Nag-ugat ang kontrobersya nang magsalita si Joson laban sa kakandidatong pangulo ng Pilipinas na si Sen. Manny Pacquiao tungkol sa umano’y pagkabigo nitong kilalanin ang kanilang kontrata.
Ipinagdiinan ni Joson na hindi totoo ang mga ipinost ni Rama sa Twitter  na ninakawan niya at ng negosyanteng si Arnold Vegafria ng P140 milyon ang Pambansang Kamao.
Ayon pa kay Joson na isa ring film producer, puro kasinungalingan daw ang pinagsasabi ng talent manager laban sa kanya. Nais lamang daw nitong sirain amg kanyang kredibilidad sa pamamagitan ng pagtatanggol kay Pacquiao.

“She should be ashamed of herself for telling those lies. Look who’s talking? In the first place, I don’t have any past negative issues or estafa cases just like Annabelle. All those were absolute lies to malign my personality,” ani Joson sa inilabas niyang official statement.

Ang tinutukoy nito ay ang “pending swindling and estafa court cases with case No. Q-8188-89, Q-8250,21866, 93-128840-45 (Manila RTC in 1993) and 23719.”

Aniya pa, ang perang tinanggap nina Joson at Vegafria kay Pacquiao ay ang kanilang komisyon sa pagdadala ng mga sponsor. Hindi umano kaagad ibinibigay ni Pacquiao ang kanilang 20% komisyon kahit na nabayaran na ito, “That is why Rama doesn’t know what she’s talking about.”

“That was a hard earned money. In fact, the senator owns Arnold Vegafria a lot of money from these commissions until now. So, Ms. Rama and other liars will be held liable,” sabi pa ni Joson.

Mariin din niyang dinenay na si Pacquiao ang nagbayad ng kanyang bahay at iba pang mga utang, “That was my commission from the Senator. I was only paid a year later. This was only after I encountered problems with the amortization of my house and other dues.

“Now, she is telling everyone that was Pacquiao trying to help me? This is a lie. I worked for that money, which I didn’t receive immediately,” paliwanag pa ng dating aide ni Pacman.

“I am challenging her, as well as (Pacquiao’s lawyer and spokesperson) Nikki de Vega, to back up all their accusations,  otherwise, I will sue them in court,” ang sabi pa ni Joson kasabay ng pagbabanta na magsasampa siya ng cyber libel case sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa talent manager kapag hindi nito napatunayan ang kanyang mga alegasyon.
Kamakailan, sinabi ni Joson na tinalikuran umano ni Pacquiao ang “fight contract obligation” nito sa  Paradigm Sports Management ni Audie Attar ngayong taon matapos  matanggap ang advance downpayment na P165 million.
Bukas ang BANDERA sa magiging sagot at paliwanag ni Annabelle Rama sa naging pahayag ni Jayke Joson.

Related chika:
Manny dinepensahan ni Annabelle; tinawag na sinungaling si Jayke Joson
Manny Pacquiao may isyu sa pera; hindi pa bayad sa mga dating kasamahan pati kay Snow Badua

Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook

Read more...