“ANG sarap pala sa bahay, ang sarap na nasa bahay ka lang!” Ito ang bahagi ng naging pahayag ni Bossing Vic Sotto tungkol sa mahigit isang taon nang pagwo-work from home.
Inamin ng veteran Kapuso TV host-comedian na talagang nanibago at nahirapan din siya sa WFH (work from home) set-up nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.
Imagine nga naman, sa loob ng 40 years ay araw-araw siyang nagtatrabaho sa labas ng bahay pagkatapos ay bigla nga itong natigil dahil sa pandemya.
Ngunit habang tumatagal daw ay nagugustuhan na rin ni Bossing ang new normal ng pagtatrabaho sa “Eat Bulaga” pati na sa weekly comedy show niya sa GMA 7 na “Daddy’s Gurl” dahil nagkaroon siya ng mas maraming panahon para sa sarili pati na rin sa kanyang pamilya.
“Enjoy ako sa bahay. Du’n ko lang na-realize na ang tagal ko na pala lumalabas ng bahay, araw-araw. Umuuwi ako, gabi na o madaling-araw. Ang sarap pala sa bahay, ang sarap na nasa bahay ka lang.
“At suwerte ko naman, may mga entertainer ako dito na ang pangalan ay Pauleen (Luna) at Tali kaya okay na ako. I’m enjoying it,” pahayag ni Vic sa ginanap na virtual mediacon para sa 3rd anniversary celebration ng “Daddy’s Gurl”.
Samantala, mapapanood na simula ngayong gabi, Oct. 23, ang mga fresh episode ng “Daddy’s Gurl” kung saan kasama pa rin ni Bossing sina Maine Mendoza, Wally Bayola, Oyo Boy Sotto at marami pang iba.
Magkakaroon din ng mga bagong katropa ang cast members ng “Daddy’s Gurl” — pasok na bilang boarders sina Kapuso actors Prince Clemente, Prince Carlos at Carlo San Juan.
Ibinalita rin ng “Daddy’s Gurl” director na si Chris Martinez ang plano ng produksyon magkaroon na ng love interest ang karakter ni Maine kaya isa pa yan sa mga dapat abangan ng viewers.
In fairness, aprubado naman daw ni Bossing ang lahat ng changes sa show, “Being a co-producer of GMA, I have to be personally involved with situations, with issues, with stories.
“Hindi naman ako yung tipo na pupunta na lang sa set, magsu-shoot na lang after matanggap ko ‘yung script. I have to get involved.
“But most of the dirty work, kay Direk Chris and the staff. Pero siyempre, lahat ng nangyayari, e, dumadaan sa akin.
“Ipinapaalam nila sa akin, they get my approval. Madali naman akong kausap.
“Kapag alam kong makakatulong, oo naman ako nang oo, and I always give them credit for all the work that they’re doing for the show,” sey pa ng veteran comedian.
Sa isang bahagi ng mediacon, puring-puri naman ni Bossing ang pagiging “natural” na komedyana g dalaga.
“Even from the start, nu’ng AlDub pa lang, na nasa Dub pa lang siya we knew that there was something in her, that she has the talent and nakita naman nating lahat, na-witness nating lahat yung pag-evolve to a better actress, to a better host, lalo na sa Bulaga. She’s just a natural.
“I don’t remember the times na I gave her pointers. Natural na lang lumalabas eh, kung ano man yung kalokohan, kagandahan, o yung galing niya sa pag-arte, mapa-comedy, serious, mapabatuhan ng opinyon,” sabi pa niya.
Related chika:
Bossing member din ng fans club ni Vico: Pwede kang magpatakbo ng gobyerno na hindi nangungurakot
Bossing emosyonal sa 67th quarantine b-day: Ang wish ko good health para sa lahat ng tao
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook