Robin nag-post ukol sa ‘batas’ sa kabila ng viral post ni Aljur

Robin nag-post ukol sa 'batas' sa kabila ng viral post ni Aljur

USAP-USAPAN ngayon ng mga madlang netizens ang bagong post ni Robin Padilla ukol sa batas na inukit sa “banyagang salita” matapos ang viral post na “breaking silence” ng manugang nitong si Aljur Abrenica.

May ilan kasi na nagsasabing pahaging ito ni Robin sa manugang na naglabas ng pahayag sa wikang Ingles.

Iniuugnay rin ang post na ito matapos mag-viral ang tweet ni Kylie na “#passdivorcebill” noong gabi ng Oktubre 19, ilang oras matapos ang pahayag ni Aljur.

“Hindi ginawa ang batas para maintindihan lamang ng mga matatalino at may mataas na katayuan at pinag-aralan. Ang batas ay nililikha para sa proteksyon ng mas nakararami, mahina, mahirap, at walang laban.

“Ang mga batas na inukit sa malalalim na banyagang salita ay sinasadya para hindi maintindihan ng karamihan ng mga tao. Isang malinaw na panlilinlang sa interes ng Inangbayan at taongbayan,” saad ni Robin.

Sa kaniyang caption naman ay binanggit ni Robin ang “hindi baleng hindi ka maintindihan ng karamihan basta nakapagsalita ka ng maganda at malalim na Ingles ay magaling at matalino ka na.”

May ilan ring nagsasabi na baka raw patungkol ito sa pagtakbo ni Robin sa 2022 national elections.

Matatandaang nag-file si Robin ng Certificate of Candidacy sa pagka-senador. Kaya ito iniuugnay dito dahil aware naman ang lahat na ang pangunahing trabaho ng isang senador ay ang gumawa ng batas para sa ikabubuti ng taumbayan.

Sa ngayon, wala pa rin namang direktang pahayag si Robin ukol sa viral post ni Aljur.

Nadamay rin kasi ang pangalan ni Robin sa isyu matapos magmakaawa ni Aljur kay Kylie na sabihin ang katotohanan sa kanyang ama ukol sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Si Robin rin mismo ang nagkumpirma sa publiko ukol sa paghihiwalay nina Kylie at Aljur at nabanggit nitong “third party” ang naging rason bagamat hindi nito tinukoy kung sino ang “third party” at kung sino sa dalawa ang nagkaroon nito.

Bukas naman ang BANDERA para sa panig ng kampo ng mga Padilla hinggil sa isyu na ito.

Karagdagang ulat:
Payo ni Robin kay Kylie: Sabi ko sa kanya ‘pag-Muslimin mo na lang si Aljur…’
Robin umatras sa pagtakbong governor: Hindi ko po kaya ang P150-M na gastos sa kampanya

Robin kinumpirmang hiwalay na sina Kylie at Aljur: Sabi ko lang, tumigil kayo sa social media, nakakahiya!

Follow us: @banderaphl on TwitterBandera on Facebook

Read more...